Naging ama si Smokey Manaloto sa edad na 51.
At ngayon, tatlong taon na ang edad ng kanyang anak na si Kiko.
Sa guesting ni Smokey sa Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, Marso 5, 2026, ang autism ni Kiko ang ibinahagi niya.
May aral na matututunan mula sa napakapositibong pananaw ng beteranong aktor.
"My son is diagnosed with autism. He’s in the spectrum, and it’s tough, pero every milestone…
"Alam mo, napapansin ko na ang ibang tao, they take for granted yung maliliit na bagay na nagagawa ng anak.
"Pero for a parent who has a kid who’s under the spectrum, the small things means a lot.
"Kunyari, natuto siyang mag-sign language, nasa-sign language niya ang buong alphabet. It’s a big deal sa amin.
"It’s very emotional for me to talk about it, pero I really, really love my kid, kahit ano pa siya,” ang lahad ni Smokey.
Read: Jenny Syquia, inalok ng date ni Jared Leto; ka-batch si Carolyn
SMOKEY MANALOTO ON FATHERHOOD
Itinuturing niyang isang biyaya ang kalagayan ng kanyang napakaguwapo at nag-iisang anak.
"You truly appreciate the little things na nagagawa ng anak mo. Sa iba, ang liit na bagay ‘yon pero sa ’yo, parang napakalaking bagay para sa ’yo," diin niya.
Para kay Smokey, ang pagiging ama ang pinakamasaya na bahagi ng kanyang buhay.
Kaya ipinagmamalaki niya na "welcome accident" ang pagkakaroon ng anak sa edad na 51.
"Ang totoo niyan, nagkaroon ako ng anak when I was 51. Napakasaya na parte ng buhay ko ‘yon tapos parang ayokong itago ‘yon.
"At kumbaga, naisip ko rin na para hindi mawalan ng pag-asa yung ibang mga kaedad ko na puwede pa rin.
"Puwede pa rin magkaroon ng anak at your age na ganoon," masayang sambit niya.
Sa huli, ibinahagi ni Smokey na masaya siya sa piling ng anak at ng kanyang partner.
"I’ve always wanted to have a kid kaso lang ang problema, I haven’t found a perfect partner to have a kid with.
"And now, I’m very happy. I’m very satisfied that the person I’m with right now, I can truly say is my soulmate."