PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ahtisa Manalo pipirma na; Rabiya Mateo, aalis ng Sparkle

Rabiya Mateo, tapos na ang kontrata sa Sparkle.
by Jojo Gabinete
Published Mar 7, 2026
Ahtisa Manalo, pipirma sa Sparkle; Rabiya Mateo, tapos na ang kontrata sa Sparkle
Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo (left), kasado na ang contract signing sa Sparkle GMA Artist Center. Rabiya Mateo (right), ano na ang plano sa showbiz career?
PHOTO/S: @sevenbarretto / @rabiyamateo Instagram

Papasok na rin sa entertainment industry si Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo dahil nakatakda siyang pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center sa Martes, Marso 10, 2026.

Malalaman sa contract signing ni Ahtisa ang mga plano ng talent management agency ng GMA Network Inc. para sa kanyang showbiz career.

Si Ahtisa ay third runner-up sa Miss Universe 2025.

Read: Pageant winners, magpupuksaan sa Miss Universe Philippines 2026

RABIYA MATEO, TAPOS NA ANG KONTRATA SA SPARKLE

Pero kung may bagong beauty queen na magiging contract star ng Sparkle GMA Artist Center, may beauty queen din na aalis—sa katauhan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Mainit ang pagsalubong kay Rabiya nang pumirma ito ng kontrata sa Kapuso Network noong Nobyembre 2021.

Kabilang sa mga naging proyekto niya ang mga television series na Agimat ng Agila: Season 2, Royal Blood, at Makiling.

Naranasan din ni Rabiya na maging mainstay ng gag show na Bubble Gang at co-host ng early morning variety show na TickToClock.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa naglalabas ng pahayag si Rabiya at ang Sparkle GMA Artist Center tungkol sa pagtatapos ng kontrata niya sa talent management agency ng Kapuso Network.

Pero hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang kagustuhan ng dating beauty queen na ipagpatuloy ang pag-aaral para matupad ang kanyang pangarap na maging doktor.

Bukod kay Rabiya, wala na rin kontrata sa Sparkle GMA Artist Center ang aktor na matagal nang nananahimik mula nang masangkot sa isang kontrobersyal na isyu.

Nakipag-ugnayan ang Cabinet Files sa aktor para sa panig nito, pero hindi pa siya nagbibigay ng paliwanag tungkol sa bagong kabanata ng kanyang showbiz career at sa tunay na dahilan ng pagkawala niya sa Sparkle GMA Artist Center.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2025 Ahtisa Manalo (left), kasado na ang contract signing sa Sparkle GMA Artist Center. Rabiya Mateo (right), ano na ang plano sa showbiz career?
PHOTO/S: @sevenbarretto / @rabiyamateo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results