PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miguel Vera, dismayado sa inasal ng isang Pinoy fan ni Alex Eala

"Ang concern ko, yung etiquette. Yung iba kasing mga Pinoy, parang nasa sabungan."
by Jojo Gabinete
Published Mar 8, 2026
miguel vera pinoy tennis fan
Singer Miguel Vera (right), now a tennis and pickleball coach in California, calls out a Pinoy tennis fan holding an offensive placard (left) during Filipino tennis player Alex Eala’s match at the Indian Wells Open.
PHOTO/S: Facebook

Tennis at pickleball instructor sa California ang U.S.-based balladeer na si Miguel Vera.

Bilang Pilipino, nadismaya siya sa inasal ng isang kababayang sinuportahan ang laban ni Alex Eala sa BNP Paribas Open, ang annual professional tennis tournament sa Indian Wells, California, noong Biyernes, Marso 6, 2026.

Sa panayam ng Cabinet Files kay Miguel, ikinuwento nitong tatlong beses nahagip ng kamera kaya nakita at napanood sa Tennis Channel sa Amerika ang Pilipinong may hawak na placard na may nakasulat na "P*T*NG INA!"

Read: Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."

pinoy tennis fan
A Filipino tennis fan holding a placard is captured on camera during Alex Eala’s match against Dayana Yastremska at the Indian Wells Open.
Photo/s: YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Miguel daw ang nakaramdam ng hiya sa ginawa ng lalake dahil sa kawalan ng galang nito kay Alex, na patuloy na naghahatid ng karangalan sa ating bansa.

“Idinamay pa niya ang ibang mga Pilipino na nanonood sa Indian Wells sa kasamaan ng ugali niya. Ang dami pa naman nakapanood sa kanya sa buong mundo,” sabi ni Miguel nang makausap siya ng Cabinet Files.

CONDUCT UNBECOMING

May suspetsa ni Miguel na sinadya ng lalaking iwagayway ang hawak na placard para makuha ang atensiyon ni Eala at ng mga manonood.

Saad niya: “I am pretty sure kaya niya ginawa yon para makunan siya ng kamera, pero huwag naman ganoon. Minsan lang tayo magkaroon ng katulad ni Alex.

“First time ni Alex na maglaro sa Paribas Open dahil tumaas ang ranking niya.

"Hindi ka basta-basta makakapaglaro sa Paribas Open kapag hindi mataas ang ranking mo, e, considered ito sa mataas na level ng tennis tournament.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“No. 32 na si Alex ngayon sa world ranking kaya first time niyang naglaro sa Paribas Open. So, ang mga Pilipino, nagdagsaan sa Indian Wells,”

Labis daw nabahala si Miguel sa eksenang ginawa ng Pinoy tennis fan.

"Ang concern ko, yung etiquette. Yung iba kasing mga Pinoy, parang nasa sabungan.

“Sa dami ng mga nangyayari sa laro, nadaanan ng mata ko ang ginawa nung lalake. Dalawa o tatlong beses na na-flash sa TV yung lalake na may hawak ng placard.

“Ang feeling ko, may nagsabi sa cameraman na huwag nang kunan yung lalake.

"Posibleng nakita ni Alex yung hawak ng lalake dahil hindi naman kalakihan ang stadium sa Indian Wells.

“Tapos yung cameraman, nung bandang huli, iniwasan nang tamaan ng kamera yung lalake. Pero nakalusot pa rin dahil kumalat sa social media ang pictures niya," saad niya.

Read: CCTV footage shows Jayson Zoleta shot dead by alleged ex-BF

Posibleng ang pinanggalingan ng nakasulat sa placard ng Pinoy tennis fan ay ang inakalang isinambit ni Alex Eala nang mapanalunan niya ang kanyang kauna-unahang laban sa U.S. Open noong August 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang nakaiskor si Alex kontra kay Clara Tauson ng Denmark sa third set ng laban, napamura umano ang Pinay tennis player.

Pero ayon naman sa ibang tennis fans na nakapanood ng video clip, hindi mura ang sinabmit ni Alex kundi "Muntikan na."

MIGUEL VERA ON WATCHING ALEX EALA'S PRACTICE

Nakita nang personal ni Miguel si Alex sa tennis practice nito noong nakaraang Lunes, Marso 2.

Kuwento niya: “Kasama ang anak ko na si Mikki Boy, dinala ko sa Indian Wells ang mga tennis student ko — may American, Thai, at Filipino — para makapanood sila ng laro ng mga professional player, sina Taylor Fritz, Novak Djokovic, Emma Raducanu, Grigor Dimitrov, Learner Tien, Elena Rybakina, at Jannik Sinner.

“Magandang exposure sa kanila at para ma-inspire lalo sila sa paglalaro ng tennis. An hour away lang ang Indian Wells from our place.

“Hindi na namin nilapitan si Alex na nagpa-practice sa dulo dahil dumagsa nga ang mga Pilipino na gustong makita siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tatlong biktima sa leaked video scandal, pare-pareho ang kuwento

miguel vera tennis students
Photo/s: Courtesy of Miguel Vera
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Miguel Vera (right), now a tennis and pickleball coach in California, calls out a Pinoy tennis fan holding an offensive placard (left) during Filipino tennis player Alex Eala’s match at the Indian Wells Open.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results