PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angela Muji, Corgi ang birthday gift mula kay Rabin Angeles

Angela Muji, nagpa-pool party sa Tagaytay noong 24th birthday niya.
by Jojo Gabinete
Published Mar 8, 2026
angela muji rabin angeles corgi
Rabin Angeles surprises loveteam partner Angela Muji with a Corgi dog on her 24th birthday celebration with fans.
PHOTO/S: Viva Artists Agency

Noong Marso 7, 2026 ang ika-24 kaarawan ni Angela Muji, pero maaga niyang natanggap ang sorpresang birthday gift sa kanya ng ka-loveteam na si Rabin Angeles.

Noong Marso 4, ginanap sa Viva Café, Cubao, Quezon City, ang 24Ever, An Enchanted Night with Angela, ang birthday fan meet ni Angela.

angela muji birthday fan meet

Nagulat nang husto si Angela dahil dumating si Rabin na may dalang Welsh Corgi, ang pinapangarap niyang pet dog.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I was so surprised about the surprise dahil hindi ko siya ine-expect at all, although Rabin dropped hints earlier on,” kuwento ni Angela sa Cabinet Files.

“I said, ‘Huwag mo akong bibigyan ng aso, ah?’

“He laughed and said he wouldn’t so I really didn’t expect it anymore. I was so happy.”

Read: Stand-up comedian Tonton Soriano now engaged to boyfriend

Virtual Corgi dog lamang ang hiniling ni Angela, pero isang totoong aso ang ibinigay sa kanya ni Rabin.

Kuwento ng dalaga, “I mentioned na sana may magregalo sa akin ng virtual gift na Corgi. I wanted a Corgi kasi ang cute ng heart-shaped butts nila.”

Toffee ang napiling pangalan ni Angela para sa kanyang pet dog.

Paliwanag niya, “Toffee because he looks like one at nagre-respond siya sa name na yon.”

ANGELA MUJI'S BIRTHDAY WISHES

Ano ang birthday wishes mo at alin sa mga kahilingan mo ang natupad na?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot ni Angela: “For my dreams to come true and peace of mind.

"Siguro yung isa na natupad na was yung series and movie na pinagbidahan ko po, yung A Werewolf Boy.”

Para sa mismong kaarawan niya noong Sabado, Marso 7, pumunta si Angela sa Tagaytay City, kasama ang kanyang pamilya, para magdiwang.

Isang pool party ang nangyari, at ang Tagaytay celebration ang regalo niya sa sarili.

“I went to Tagaytay with my family and friends, pool party with a view,” lahad ni Angela.

Maligayang-maligaya ang Viva artist dahil sa magagandang nangyayari sa kanyang personal na buhay at showbiz career.

Read: Anne Curtis rejects Bong Suntay’s "non-apology"; calls him out for his lewd remarks

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabin Angeles surprises loveteam partner Angela Muji with a Corgi dog on her 24th birthday celebration with fans.
PHOTO/S: Viva Artists Agency
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results