Ang singer-actress na si Gigi de Lana ang headliner sa grand culmination celebration ng 28th founding anniversary ng Island City of Samal sa Davao del Norte na ginanap sa People’s Park noong Sabado, Marso 7, 2026.
Pero nagkaroon ng problema sa kanyang pagtatanghal dahil nahimatay ang singer pagkatapos ng anim na kanta.
Malinaw na nakunan ng video nang mawalan ng malay si Gigi at saklolohan siya ng mga tao sa kanyang paligid.
Ikinabahala ng mga nanood ng concert ni Gigi ang nangyari.
Bukod sa kanyang kapansin-pansing pangangayayat, hindi ito ang unang pagkakataong nahimatay siya sa gitna ng kanyang pagtatanghal.
Noong Mayo 14, 2023, nakunan din ng mga video nang mahimatay si Gigi sa show nito sa Paoay, Ilocos Norte.
Read: Singer Gigi de Lana faints during performance in Ilocos Norte
OFFICIAL STATEMENT FROM GIGI'S MANAGEMENT
Naglabas ng opisyal na pahayag ang Tritone Entertainment tungkol sa kalagayan ni Gigi, ilang oras matapos siyang himatayin sa kanyang concert sa Samal.
"Extreme fatigue" ang dahilan na sinabi ng kampo ni Gigi.
Diumano, wala nang dapat ipag-alala ang mga nagmamalasakit sa kanya.
Ito ang kabuuan ng pahayag at paliwanag ng Tritone Entertainment: “To everyone who has been sending messages and asking about Gigi, thank you so much for your love and concern.
“After her performance last night in Samal Island City, Davao Del Norte, Gigi experienced extreme fatigue and briefly passed out after her final song.
“She was given immediate attention and care, and we’re grateful to share that she is now safe, stable, and currently resting.
“Despite not feeling well, Gigi still chose to honor her commitment and perform for everyone who came to see her. This reflects the deep respect and professionalism she has for her audience.
“We sincerely appreciate all the prayers, messages, and support you’ve been sending. For now, our priority is making sure she gets the rest and recovery she needs. Thank you for your continued love and understanding.”
Read: Miguel Vera, dismayado sa inasal ng isang Pinoy fan ni Alex Eala