Inanunsiyo ng Viva Films ang mas pinababang halaga ng tickets para sa A Special Memory ngayong Lunes, Marso 9, 2026.
Ang A Special Memory ang romance-drama movie nina Carlo Aquino at Bela Padilla na mapapanood sa mga sinehan simula sa Marso 11.

Ayon sa pamunuan ng Viva Films, 45 percent ang diskuwento sa presyo ng tickets na malaking ginhawa at abot-kaya ng mga tagahanga nilang estudyante.
Read: Anne Curtis rejects Bong Suntay’s "non-apology"; calls him out for his lewd remarks
Sa mga manonood ng A Special Memory sa Robinson’s Mall Cinema sa Galleria Ortigas at Las Piñas, PHP152 na lamang ang ticket price.
Samantalang PHP127 ang halaga ng ticket sa Robinson’s Starmills Pampanga, Robinson’s Ilocos, at Robinson’s Pavia, Iloilo.
Pinakamababa ang PHP99 ticket price sa Robinson’s GenSan.
PHP150 ang special ticket deal ng Ayala Malls (Circuit, Feliz, Legazpi, Harbor Point, MarQuee Mall, Market! Market!, at Trinoma).
PHP170 sa mga sinehan ng Megaworld sa Eastwood, Lucky Chinatown, Southwoods, Uptown Mall, at Venice Cineplex.
Nagbaba rin ng presyo ang SM Cinema. PHP275 para sa mga sinehan sa Metro Manila at PHP230 sa mga sinehan sa probinsya.
Read: Rhian Ramos confirms breakup with Sam Verzosa; clarifies rumors about Wil Dasovich
BELA-CARLO SECOND MOVIE TEAMUP
Ang A Special Memory ang second movie teamup nina Bela at Carlo, na unang nagtambal sa 2018 hit movie na Meet Me in St. Gallen.
Sa panayam kay Carlo Aquino sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, Marso 9, 2026, sinabi niyang hindi pa rin nagbabago ang ugali ni Bela mula nang magkasama sila sa kanilang unang proyekto.
Saad niya: “Ganoon pa rin siya. Same passion sa trabaho niya.
"Sinasabi niya kung ano ang gusto niya, very vocal pa din at yung pagmamahal niya sa craft niya, hindi nagbago talaga.
“Kaya nga nagtaka ako na iniwan niya ito kasi alam ko ang pagmamahal niya sa industriya, sa craft na ginagawa niya. She’s a director, writer, actress, producer.
“Yung mga gusto kong gawin for the longest time, nagawa na niya lahat.
"Yun din naman ang sinasabi niya sa akin, 'Ang dami mo nang nagawa na gusto kong gawin.' Pareho kami halos."
Ang desisyon ni Bela na paninirahan sa London noong panahon ng pandemya ang tinutukoy ni Carlo nang sabihin nitong iniwan ng aktres ang industriya.
Pero bumalik din si Bela sa Pilipinas para maging aktibo muli sa showbiz.
Read: Bea Alonzo and Vincent Co set to marry; wedding banns announced at Paco church