PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Castro, kinontra ang pahayag ni Alvin Aragon sa "pagnanasa"

Alex Castro, wala pa raw plano sa 2028 elections.
by Jojo Gabinete
Published Mar 10, 2026
alex castro alvin aragon
Bulacan Vice Governor Alex Castro (left) on Alvin Aragon (right): "Kapag ikinumpara mo na kasi ang sarili mo sa iba at sasabihin mo na ikaw ang tama at mali yung isa, dun na po nagkakaroon ng problema. Nirespeto ko na lang po yung sinabi niya."
PHOTO/S: Facebook

Noong Pebrero 2026, nadamay si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa mga isyung kinasasangkutan ni Alvin Aragon.

Ito ay ay dahil sa pahayag ni Alvin tungkol sa hindi niya pagpayag na sumali sa reunion concert ng SexBomb Girls ang misis niyang si Izzy Trazona.

Si Alex ay asawa ng dating kasamahan ni Izzy sa SexBomb na si Sunshine Garcia.

Bahagi ng pahayag ni Alvin: “Sinasabi nila, ‘Buti pa yung asawa ni Sunshine, vice governor, pinayagan sila mag-concert. Dapat nga hindi, e.

"Dapat nga, yung asawa mo, ingatan mo. Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalake.”

Read: Alvin Aragon calls out Alex, Sunshine over SexBomb reunion

Sa exclusive interview ng Cabinet Files kay Alex noong Pebrero 16, nagsalita siyang hindi niya papatulan si Alvin.

Paliwanag niya, “Hindi ko na dapat patulan dahil mas madami akong mahalagang trabaho dito sa amin. Ipagdasal na lang natin silang mag-asawa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bulacan Vice Governor Alex Castro, ayaw patulan si Alvin Aragon

ALEX CASTRO RESPECTS ALVIN ARAGON'S BELIEF, BUT...

Muling inulit ni Alex ang kanyang pahayag sa guesting niya sa Fast Talk With Boy Abunda kaninang hapon, Marso 10, 2026.

Aniya: “Kanya-kanya tayo kung papaano yung paniniwala natin.

"Papaano yung relasyon natin, sa asawa natin, kung papaano natin suportahan.

"Kapag ikinumpara mo na kasi ang sarili mo sa iba at sasabihin mo na ikaw ang tama at mali yung isa, dun na po nagkakaroon ng problema.

“Nirespeto ko na lang po yung sinabi niya.

"Saka ang dami ko pong dapat intindihin sa Bulacan para patulan po yung gaanong isyu."

Pero kinontra ni Alex ang paniniwala ni Alvin na dahil sa mga seksing costume ng SexBomb Girls kapag nagpe-perform ay pinagnanasaan sila ng mga kalalakihan.

Katuwiran ni Alex: “Ang nakikita ko po, yung sinasabi niya na nagnanasa, dun sa tumitingin, e, yun ang mga problema. Hindi dun sa sumasayaw.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang may mali, kung may pagnanasa yung manonood. Concert yon, ganoon ang costume.

"Kung dinala mo sa simbahan yung ganoong costume, mali po yon."

Kasama ni Alex na bisita sa Fast Talk With Boy Abunda si Joshua Zamora, mister ng SexBomb Girls member ding si Jopay Paguia.

Read: Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."

ALEX CASTRO ON 2028 ELECTIONS, SHOWBIZ

Huling termino na ni Daniel Fernando bilang gobernador ng lalawigan ng Bulacan kaya tinanong ng Cabinet Files ang kanyang bise gobernador na si Alex tungkol sa plano nito sa halalan sa Mayo 2028.

Ayon kay Alex, hindi pa niya pinagtutuunan ng pansin ang eleksyon sa 2028.

Hindi rin pumasok sa kanyang isip noon na magiging bise gobernador siya ng Bulacan, pero nangyari dahil ito ang itinadhana o kapalaran niya.

Read: Ai-Ai delas Alas is now officially divorced from Gerald Sibayan

Nag-umpisa ang showbiz career ni Alex noong 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento niya sa Cabinet Files na ang Regal Entertainment, Inc. producer na si Roselle Monteverde ang nagbigay sa kanya ng break sa entertainment industry.

Bilang contestant ng Are You the Next Big Star?, ang reality competition show ng GMA-7, ang unang TV appearance ni Alex.

alex castro are you the next big star
Alex Castro was a contestant in GMA-7's Are You The Next Big Star?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil artista siya bago pumasok sa pulitika, tinanong ni Boy Abunda si Alex sa posibilidad ng pagbabalik niya sa showbiz.

Saad ng actor-politician: “Possible naman po, wala naman imposible, pero naka-focus lang po ako ngayon sa paglilingkod.

"Hindi ko po iniisip ngayon [ang eleksyon], trabaho lang muna.

"Pinapayagan naman po [na mag-artista], pero kapag local chief executive, bawal na pero kapag legislative puwede pa."

Read: Kenneth Medrano reveals testicle removed after cancer surgery

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bulacan Vice Governor Alex Castro (left) on Alvin Aragon (right): "Kapag ikinumpara mo na kasi ang sarili mo sa iba at sasabihin mo na ikaw ang tama at mali yung isa, dun na po nagkakaroon ng problema. Nirespeto ko na lang po yung sinabi niya."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results