PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nico Locco on leaked video scandal: "Yes. It’s me."

Nico Locco, umamin na bago pa man kumalat ang intimate video niya.
by Jojo Gabinete
Published Mar 10, 2026
nico locco video scandal
Nico Locco on leaked video scandal: "Kung may lalabas na sex video with me in it, hindi ko sasabihin na hindi ako yon. If it’s me, it’s me, ganoon. I will own up to it. I am not one who backs out of the truth.”
PHOTO/S: Instagram

"Yes. It’s me.”

Ito ang pag-amin ni Nico Locco sa intimate video na kinasasangkutan niya na walang pahintulot na kinunan, kumalat, at pinagpistahan noong Linggo, Marso 8, 2026 — na nataon sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

Sa lahat ng mga showbiz personality na nasangkot sa leaked intimate videos, si Nico ang kauna-unahang umamin bago pa man naglabas ng mga pahayag sina Gil Cuerva, Nikko Natividad, at Arron Villaflor.

Related Stories:

May kaugnayan ang pag-amin ni Nico sa kanyang eksklusibong pahayag sa PEP.ph noong Marso 4 tungkol sa screenshot ng larawan nila ng isang babae na lumitaw sa social media.

Deklarasyon ng Italian-Canadian actor-model: “Nagulat ako sa umpisa dahil nakita ko ang isang screenshot with my face in it with a girl na similar sa mga other sex videos going around at the moment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero kung may lalabas na sex video with me in it, hindi ko sasabihin na hindi ako yon.

"If it’s me, it’s me, ganoon. I will own up to it.

"I am not one who backs out of the truth.”

Read: Nico Locco, aamin umano kapag may lumabas na video scandal niya

NICO LOCCO TOURS HIS PARENTS FROM ITALY

Malaki ang pagpapahalaga ni Nico sa palabra de honor kaya agad itong umamin na siya nga ang lalaki sa maselang video nang lumabas ito sa iba’t ibang mga social media platform.

Ngunit sa halip na magpaapekto, pinili niyang pagtuunan ng atensiyon at ilibot sa iba’t ibang lugar ang kanyang mga magulang mula sa Italy na kasalukuyang nagbabakasyon sa Pilipinas.

Noong Lunes, Marso 9, ipinasyal ni Nico ang kanyang mga magulang sa Bonifacio Global City.

Isang eyewitness na nakausap ng Cabinet Files ang nakakita sa kanila na napapaligiran ng mga taong nagpakuha ng litrato na kasama ang Italian-Canadian actor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ikinagulat daw ni Nico ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao matapos kumalat ang kontrobersiyal na video.

Hindi raw siya makapaniwala sa mga nakapagpapalakas ng loob na mga salita mula sa mga taong nakakasalamuha niya at mga mensaheng nababasa sa kanyang mga social media account.

Palaisipan din kay Nico ang acting at hosting offers na kanyang natanggap, isang araw matapos mag-viral ang intimate video na inamin niya agad kahit hindi pa lumalabas.

Kahit nagtataka, ikinalugod ni Nico ang hindi nito inaasahang epekto sa isang pangyayari na hindi niya kagustuhan at inakalang magiging negatibo sa kanyang pagkatao at showbiz career.

Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nico Locco on leaked video scandal: "Kung may lalabas na sex video with me in it, hindi ko sasabihin na hindi ako yon. If it’s me, it’s me, ganoon. I will own up to it. I am not one who backs out of the truth.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results