Ang prima-donna attitude ng young entertainment personality ang isang dahilan kaya mailap sa kanya ang production staff at ang mga co-star niya.
Inirereklamo ang young entertainment personality na sikat na sikat ang tingin sa sarili pero wala pang napatutunayan sa industriya dahil hindi pa nagkakaroon ng hit movie at TV series.
Isa sa mga demand ng young entertainment personality, kailangang nakahanda ang kanyang paboritong kape at breakfast dish.
Kung wala, hindi siya sisipot ang banta niya.
READ: Nico Locco on leaked video scandal: "Yes. It’s me."
Dagdag sa gastos ng produksiyon ang demand ng young entertainment personality, na nag-aastang mayaman mula nang mabigyan ng mga acting assignment pero ayaw gumasta para sa kanyang mga personal na kapritso.
Siya rin ang nagpupumilit kunin ang serbisyo ng glam team na gusto niya na mahal maningil.
Pero hindi umubra sa isang production executive ang kanyang pagmamaldita.
NEGATIVE AURA FROM YOUNG ENTERTAINMENT PERSONALITY
Hindi popular sa co-stars niya ang young entertainment personality.
Ipinararamdam daw nitong siya ang pinakasikat sa kanilang lahat kaya wala nang masyadong lumalapit at nakikipagkaibigan sa kanya.
Ang kagaspangan ng ugali na ipinakikita ng young entertainment personality ang dahilan kaya unti-unti nang nababawasan ang mga proyekto niya.
Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa kanyang prima-donna attitude kaya hindi na interesado ang mga teleserye at movie producer na bigyan ng trabaho ang young entertainment personality na mabigat kasama, mahirap katrabaho, at sobrang negatibo umano ang aura.
Read: Bea Alonzo and Vincent Co set to marry; wedding banns announced at Paco church