Sina Eman Bacosa Pacquiao, 22, at Heath Jornales, 16, ang mga gaganap sa mga bagong karakter na mapapanood sa Never Say Die, ang primetime action-drama series na pinangungunahan nina Jillian Ward at David Licauco.
Mag-uumpisa sa Lunes, Marso 16,2026, ang taping ni Eman para sa Never Say Die. Pero hindi pa inaanunsiyo ng Kapuso Network ang papel na gagampanan niya.
Read: Timothée Chalamet faces backlash for his comments about ballet and opera
Hindi na ipinagtaka ng mga tagasuporta ni Eman ang pagkakaroon nito ng espesyal na partisipasyon sa Never Say Die.
Naramdaman nilang malaki ang posibilidad na makasali ang young boxer sa teleserye ni Jillian nang magdeklara siyang crush niya ang Kapuso actress.
Ang pagpunta ni Jillian sa Bohol para personal na suportahan ang laban ni Eman sa boksing noong Pebrero 28, 2026 ang prelude o pahiwatig sa nalalapit na pagsasama nila sa isang proyekto.
At mangyayari nga ito sa Never Say Die.
View this post on Instagram
Gaya ng kanyang ama, ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na walang karanasan sa pag-arte nang magbida sa 2001 movie na Basagan Ng Mukha, walang acting experience si Eman.
Ang Never Say Die ang unang acting assignment niya.
Read: Eman Bacosa Pacquiao, may special guest at message kay Jimuel
THE FIGHTING PRINCE OF TAGUIG IS COMING
“The Fighting Prince of Taguig Is Coming!” ang inanunsiyo ng GMA Network nitong Huwebes, Marso 12.
Ang PBB: Celebrity Collab Edition 2.0 Kapuso Second Big Placer na si Heath Jornales ang tinutukoy na "Fighting Prince of Taguig."
Read: Caprice Cayetano, Lella Ford Big Winners of PBB Celeb Collab 2.0

Tulad ni Eman, malapit na rin siyang mapanood sa Never Say Die, ang kanyang unang proyekto matapos lumabas mula sa PBB house noong Pebrero 28, 2026.
Positibo ang mga komento tungkol sa partisipasyon ni Heath sa primetime drama-action series ng GMA-7 dahil tiyak magagamit niya ang kaalaman sa martial arts sa maaaksyong eksena.
May sapat na kaalaman si Heath sa martial arts dahil tinuruan siya ng kanyang ama, ang stunt director at aktor na si Michael Roy Jornales.
Ang Never Say Die ang ikalawang proyekto na pagsasamahan nina Heath at Jillian.
Gumanap silang magkapatid sa Mga Batang Riles, ang primetime drama action-series na napanood sa GMA-7 mula Enero 6, 2025 hanggang Hunyo 20, 2025.
Read: Phoenix addresses Hidylyn Diaz unrealized "fuel for life" prize; calls them "unfair"