Ang guesting ni Gil Cuerva sa TikToClock ngayong Huwebes, Marso 12, 2026, ang unang pagkakataong lumabas siya sa telebisyon matapos kumalat sa social media ang video ng pribadong sandali nila ng isang babae.
Noong Marso 5, sa pamamagitan ng opisyal na pahayag, sinabi ni Gil na kinunan nang palihim at walang pahintulot ang video na pinagpistahan at pinagpasa-pasahan ng publiko.
Ang pinakamasaklap, pinagkakitaan ng ibang mga tao ang video na ibinenta sa mga interesadong mapanood ito.
Read: Gil Cuerva breaks silence amid leaked video scandal
Nakasaad sa isang bahagi ng pahayag ni Gil na “life goes on.”
Ang paglabas niya sa TikToClock ang patunay na unti-unti niyang ibinabalik sa normal ang takbo ng kanyang buhay na naging masalimuot dahil sa pagkalat ng maselan na video.
Pinahaba na uli ni Gil ang kanyang buhok, at marami ang natuwa sa muling paglabas niya sa telebisyon na hudyat ng dahan-dahan na pagbabalik sa normal ng kanyang buhay.
KATRINA HALILI AND GIL CUERVA ON TIKTOCLOCK
Panauhin din sa TikToClock ngayong araw si Katrina Halili, at sila ni Gil ang magkakampi sa isang game segment ng programa.
Matapos ang paglalaro nila ni Katrina, hiningan si Gil ng reaksiyon.
Nakangiting sabi niya: “Best teammate si Miss Kat. Six points ang nakuha namin.
"Nahirapan lang ako dun sa parang kumukulo pero it was a fun game. Happy ako na nanalo kami for Pink Team.”
Ang pagsasama nina Katrina at Gil sa TikToClock ang dahilan kaya hindi maiwasang magtanong ang ilang netizens kung nagkataon o sinadya bang pagsamahin sila sa game segment ng programa.
Gaya ni Gil, nasangkot din sa kontrobersiyal na usapin si Katrina noong 2009.
Mababasa rin sa comments section ng social media accounts ng nabanggit na TV show na tungkol sa kontrobersiyang pinagdaanan nina Gil at Katrina ang karamihan ng reaksiyon ng netizens.
Read: Phoenix addresses Hidylyn Diaz unrealized "fuel for life" prize; calls them "unfair"