"International actress, model and jewelry designer" ang pagsasalarawan ng People Magazine kay Jenny Syquia sa artikulong inilabas nila tungkol kay Carolyn Bessette, ang asawa ni John F. Kennedy Jr.
Parehong pumanaw sina Carolyn at JFK Jr. nang bumagsak sa karagatan ang eroplanong sinasakyan nila noong Hulyo 16,1999.
Muling napag-uusapan ang dalawa dahil sa hit series tungkol sa kanilang relasyon, ang Love Story: John F. Kennedy Jr. & Carolyn Bessette, na napapanood sa FX, Hulu, at Disney Plus.
“I Was in the 1988 ‘Girls of B.U.’ with Carolyn Bessette and She Was Cooler Than All of Us Combined" naman ang pamagat ng exclusive story ng People tungkol sa mga estudyante ng Boston University na personal nakilala si Carolyn at nagbahagi ng kanilang mga kuwento na may kinalaman sa asawa ni JFK Jr.

Bago pa inilabas ng People ang pahayag ni Jenny, nauna nang ibinahagi ng dating aktres sa kanyang Facebook page noong Marso 6, 2026 ang koneksiyon nila sa isa't isa ni Carolyn.
Inilathala ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol dito noong Marso 7.
Read: Jenny Syquia, inalok ng date ni Jared Leto; ka-batch si Carolyn
THE PEOPLE ARTICLE
Tampok sa People article na inilathala nitong Marso 12 ang ilan sa dating female students na na-fetaure sa calendar na "The Women of Boston University" noong 1988.
Kabilang dito si Jenny, ang Miss May.

Binalikan ni Jenny ang unang pagkakataong nakita niya si Carolyn sa Boston’s Commonwealth Grill, kung saan nakakuha agad ng atensiyon ang kagandahan ni Carolyn.
Kuwento ni Jenny: “I was on a date, and the guy I was with came back to the table and said, ‘Do you know that girl? She is absolutely stunning.’ And he was right.
“I wasn’t even jealous because it was just facts.”
Ayon din sa ulat, mula sa Boston ay lumipat si Jenny sa New York kung saan siya nagtrabaho para sa fashion magazine na Vogue.
Doon daw muling nagtagpo ang mga landas nila ni Carolyn, na noong panahong iyon ay nagtatrabaho naman sa public relations ng fashion brand na Calvin Klein.
“One day I was at the Calvin Klein offices dropping something off for a shoot,” pag-alala ni ni Jenny.
“Later that night there was a big Calvin Klein party downtown, and Carolyn came over to say hello. That’s something I always remember about her — she had this ability to make you feel like the only person she was focused on, even in a crowded room.”
Hindi raw nasorpresa si Jenny nang malaman niyang dini-date ni Carolyn si John F. Kennedy Jr.
Aniya sa People: “Men absolutely lost their minds over her.
“So when she ended up with the most eligible bachelor in the world, it honestly made perfect sense to me.”
Gaya ng nabanggit, inilarawan sa artikulo si Jenny bilang "international actress, model and jewelry designer."
Pero kung nagsaliksik mabuti ang nagsulat ng artikulo tungkol kay Jenny, malalaman nilang hindi siya international actress dahil panandalian lamang ang kanyang acting career noong naninirahan pa siya sa Pilipinas.
Apat na pelikula ang pinagbidahan ni Jenny noong 1997: Eseng ng Tondo, Takot Ako sa Darling Ko, Hanggang Dito na Lang, at Bridesmaids.
Nakilala rin siya bilang ex-wife ng aktor na si Gabby Concepcion, kung saan mayroon siyang isang anak, si Cloie Syquia Skarne.
Pero hindi nagtagal ang acting career ni Jenny dahil pinili niyang mamalagi sa ibang bansa.
Samantala, walang impormasyong nagkaroon siya ng kahit isang international movie project.
Read: Gil Cuerva at Katrina Halili, nagkasabay mag-guest sa TiktoClock