Na-hack umano ang kanyang social media accounts.
Ito ang paglilinaw ni Raheel Bhyria, 22, ang Filipino-Pakistani actor na pilit isinasangkot sa kontrobersiya ng leaked video scandal ng mga aktor.
Nag-umpisa ang isyu noong Linggo, Marso 8, 2026, nang mapansin ng netizens na deactivated ang social media accounts ni Raheel.
Dahil dito, agad nagbigay ng espekulasyon ang ilang netizens na maaaring may kinalaman ang diumano’y pagkakaroon niya ng video scandal.
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
RAHEEL BHYRIA CLARIFIES FAKE NEWS
Pero itinuwid agad ito ni Raheel sa pamamagitan ng kanyang post sa Instagram.
Saad ng Kapuso young actor: “Chill guys I was just hacked but now I’m back.
"Dami nangyayari sa mundo yet people have time to create fake narratives.
"God bless everyone and stay safe.
"May pag-asa pa ang Pinas."
Ibinahagi rin ni Raheel sa social media post nito ang screenshot, na nilagyan niya ng caption na "FAKE," ang online news site na naglabas ng false narrative na nag-deactivate siya ng social media accounts sa gitna ng pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa isyu ng video scandal.
Related Stories:
- Nico Locco on leaked video scandal: "Yes. It’s me."
- Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."
- Gil Cuerva breaks silence amid leaked video scandal
- Arron Villaflor finally addresses alleged video scandal
- Benjie at Andre Paras itinangging may video scandal si Kobe Paras

Wala nang dapat ipag-alala ang fans ni Raheel dahil sa paglilinaw na ginawa niya.
Ang depensa ni Raheel ang tumapos sa mga mapanlinlang na social media post ng ilang netizens na, diumano, napanood na nila ang kanilang imaginary video scandal.
Wala na rin dapat abangan ang mga naniwala sa fake news at umasa na totoong sangkot sa video scandal ang aktor na regular na napapanood sa action-drama series na Never Say Die ng GMA-7.
Gumaganap siyang nakatatandang kapatid ni Heath Jornales, ang bagong cast member ng programa.
Read: Eman Bacosa Pacquiao at Heath Jornales, pasok sa Never Say Die