Nagbukas sa 200 sinehan sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang A Special Memory, ang pelikulang pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla, noong Miyerkules, Marso 11, 2026.
Mula sa 200, naging 240 na ang mga sinehan na pinagtatanghalan ng A Special Memory ngayong Biyernes, Marso 13.
Pruweba itong box-office hit ang pelikula kaya patuloy ang winning streak ng Viva Films, pagkatapos tumabo nang husto sa takilya ang The Loved One nina Anne Curtis at Jericho Rosales.
Nakatulong sa pelikula nina Bela at Carlo ang word of mouth na maganda ang kuwento ng romance-drama project nila kaya tinangkilik ng manonood ang kanilang pelikula.
Malaking bagay rin na ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee ang sumulat ng screenplay ng A Special Memory.
Read: Netizens weigh in on It's Showtime player's Malacañang slip-up

WHY BELA PADILLA HATESTHE RAIN
Bukod sa mga papuri sa pelikula na mula sa direksiyon ni Jerry Lopez, Sineneng, pinaniniwalaang may hatid na suwerte ang mga eksena ni Bela sa ulan sa A Special Memory.
Pero ang realidad, ayaw na ayaw ni Bela ang ulan dahil naghahatid daw ito sa kanya ng kalungkutan, kahit may mga eksena siyang nababasa sa ulan sa mga nakaraang pelikula niya.
“Sa totoong buhay, ayoko ng ulan," pag-amin ng aktres.
"Nalulungkot ako, nalulungkot ako sa ulan.
"Siguro dahil lumaki ako sa Pilipinas, gusto ko maaraw palagi.
“Nakatulong siya sa akin dito sa movie. Grabe, it’s very heavy and melancholic. It helped me a lot.
"Minsan, sinisindihan pa lang nila yung rain effect, natutulungan na ako emotionally. It was such a big help, honestly.
"But you know, we keep saying ang bigat ng movie, ang sakit ng movie, but there also beautiful light moments in the film,”
Sinabi naman ni Direk Jerry Sineneng na naging madali ang shooting nila para sa A Special Memory dahil mababait na katrabaho sina Bela at Carlo.
“Ang sarap lang po ng working relationship namin.
"No. 1, walang ere, walang diva,ang gaan-gaan sa set kahit ang bigat-bigat ng istorya.
“I’m so excited to go to the shoot every day. Nae-excite ako sa mga sasabihin at isa-suggest nina Bela at Carlo. Ganoon kami,” lahad ni Direk Jerry, na maligayang-maligaya dahil sa tagumpay ng A Special Memory.
Read: Timothée Chalamet faces backlash for his comments about ballet and opera