PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, high-ranking government official ang bagong karelasyon

Married guy din ang ex-boyfriend ni aktres.
by Jojo Gabinete
Published Mar 14, 2026
Aktres, high-ranking government official ang bagong karelasyon
Aktres, natutong maging discreet sa pakikipagrelasyon sa high-ranking government official para hindi na masangkot sa kontrobersiya tulad nang nangyari noon sa kanila ng ex niyang pulitiko.
PHOTO/S: Chat GPT

Ang high-ranking government official mula sa isang lalawigan sa Luzon ang karelasyon ng aktres, pero inililihim pa nila ang bagong usbong na pagmamahalan.

Ang malalapit na tao sa paligid ng high-ranking government official ang nakakaalam sa pakikipagrelasyon niya sa aktres, pero tikom din ang kanilang mga bibig.

Hiwalay sa asawa ang opisyal, pero hindi pa annulled ang kanilang kasal kaya hindi niya puwedeng pakasalan ang aktres.

Dating showbiz personality ang girlfriend ng government official. Maraming taon ang itinagal ng kanilang pagsasama, pero humantong din ito sa hiwalayan.

Hindi maganda ang pagwawakas ng relasyon nila kaya hindi na sila nag-uusap.

MAY EX NA PULITIKO SI AKTRES

Hindi na bago sa aktres ang pakikipagrelasyon sa mga pulitiko dahil isang kontrobersyal at napakayaman na government official ang kanyang pinatulan noon.

Sandaling panahon lamang ang itinagal ng relasyon ng aktres at ng politician dahil ayon sa kanya, natuklasan niya na may asawa at anak ang lalake.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kapani-paniwala at hindi brilliant ang alibi ng aktres dahil alam ng publiko ang mga impormasyon tungkol sa personal na buhay ng pulitiko.

Ngayong government official uli ang kanyang boyfriend, maingat na maingat ang aktres na hindi nagkukuwento sa kanyang mga kaibigan para makaiwas siya sa mga intriga.

Natuto na ng leksyon ang aktres na pinili na maging discreet para hindi na siya masangkot sa mga kontrobersya na naranasan niya nang makipagrelasyon siya noon sa pulitiko.

MORE BLIND ITEMS:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aktres, natutong maging discreet sa pakikipagrelasyon sa high-ranking government official para hindi na masangkot sa kontrobersiya tulad nang nangyari noon sa kanila ng ex niyang pulitiko.
PHOTO/S: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results