PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ina ni Ruby Rose Barrameda kinamatayan ang paghahanap ng hustisya

Pamilya ni Ruby Rose Barrameda, ginunita ang kanyang 19th death anniversary.
by Jojo Gabinete
Published Mar 15, 2026
rochelle ciony ruby rose barrameda
Ciony Barrameda, the mother of murder victim Ruby Rose Barrameda (right) and actress Rochelle Barrameda (left photo), died on December 14, 2025. Until her passing, the Barrameda matriarch continued seeking justice for her daughter who was murdered in 2007.
PHOTO/S: Rochelle Barrameda Facebook

Ginunita ng pamilya ni Ruby Rose Barrameda ang ika-19 anibersaryo ng kanyang kamatayan noong Sabado, Marso 14, 2026.

Sa panayam ng Cabinet Files sa kanyang kapatid, ang aktres na si Rochelle Barrameda, sinabi nito: “Hanggang nabubuhay kami, hanggang sa huli, hindi kami mapapagod, makamit lang ang katarungan para sa kapatid ko.”

Read: Rochelle Barrameda still seeks justice for sister Ruby Rose's murder after 11 years

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakadagdag sa kalungkutan na nararamdaman ni Rochelle ang pagpanaw ng kanilang ina na si Ciony Sayson Barrameda, noong Disyembre 14, 2025.

Ayon kay Rochelle, namatay ang nanay nila na hindi nakakamit ang ipinagdarasal at pinakaaasam na hustisya para kay Ruby Rose.

Ang larawan ng puntod ni Ruby Rose ang profile picture ng Facebook page ng kanilang ina hanggang bawian ito ng buhay.

ciony sayson barrameda fb profile
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Rochelle: “Si Mom, taong simbahan. Ipinagpapasa-Diyos na lamang niya ang lahat.

"Malungkot siya kapag may mga dumarating na special events sa buhay namin.

“Yung wish nila ng dad ko na makasama namin ang mga anak nina Ruby every November 1, wala na.

“Hanggang ngayon, masakit pa rin at patuloy pa rin ang paghihintay namin sa hustisya na matagal na naming ipinaglalaban."

Dagdag pa ng aktres: “Mas lalo pang mabigat sa dibdib ko na kinamatayan na lang ng mommy namin ang kaso.

"Hindi man lang niya nakita ang hustisya para kay Ruby Rose.

“Hindi rin niya nakita ang mga apo ni Ruby sa huling sandali ng kanyang buhay. Isa yon sa pinakamalungkot sa buhay namin."

Read: Suspects in Ruby Rose Barrameda murder all acquitted

rochelle ciony ruby rose
From left: Rochelle, Ciony, and Ruby Rose Barrameda
Photo/s: Rochelle Barrameda Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICTOR DUEÑAS AND LOPE JIMENEZ: ONE AND THE SAME PERSON?

Nagkaroon ng development ang kaso ni Ruby Rose Barrameda noong 2025 nang madakip ng mga awtoridad si Lope Jimenez, isa sa mga akusado sa pagpaslang sa kapatid ni Rochelle.

Si Jimenez ay tiyuhin ng mister ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez III.

Matagal tinugis ng batas si Jimenez, na gumamit ng mga alias na "Victor Vidal Duenas" at "James Paul Dwight."

Dinakip si Jimenez ng mga tauhan ng Quezon City Police District — Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) dahil siya ang itinuturong utak ng pagkidnap, pagnanakaw, at pagpatay sa isang negosyanteng nawala noong Enero 5, 2025.

Ang bangkay ng negosyante ay isinilid sa drum at ibinaon sa isang lugar sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Kidnapping with homicide at carnapping ang mga kasong isinampa laban sa akusado.

lope jimenez
Mug shot of Lopez Jimenez, alias Victor Vidal Duenas and James Paul Dwight
Photo/s: QCPD-CIDU
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero itinanggi ng akusado na siya si Jimenez na sangkot sa pagpatay kay Ruby Rose noong Marso 2007.

Read: Rochelle Barrameda identifies accused in sister Ruby Rose murder

STILL SEEKING JUSTICE AFTER 19 YEARS

Makalipas ang 19 taon, hindi pa rin nakakamit ng pamilya ni Ruby Rose ang hustisya. At nakamatayan na nga ito ng ina ng biktima.

Pero ayon kay Rochelle, hindi sila titigil hangga't hindi nila nakakamit ang minimithing hustisya.

Saad ni Rochelle sa Cabinet Files: “Noong nakaraang taon, may nakita kaming magandang development sana sa kaso.

"Ngunit muli, hindi ito umusad dahil hindi ko naman napatunayan na iisang tao lamang sina Victor Dueñas at Lope Jimenez.

Hanggang ngayon, wala pa rin kaming malinaw na sagot mula sa NBI. Hindi naman nila ako sinasagot.

"Napakasakit isipin na sa ating bansa, napakahirap makamit ang hustisya, lalo na para sa mga biktima at sa mga pamilyang naiwan.

“Pero hindi kami titigil. Hindi kami mapapagod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Patuloy naming ipaglalaban ang hustisya para kay Ruby Rose. Hindi siya makakalimutan."

Read: PEP EXCLUSIVE: Ruby Rose Barrameda Murder Case Update: DOJ orders filing of parricide against Manuel Jimenez III

NO CONTACT WITH RUBY ROSE'S CHILDREN

Labing-siyam na taon na ang nakararaan mula nang mawala si Ruby Rose noong Marso 14, 2007.

Makalipas ang dalawang taon, natagpuan ang kanyang bangkay — na isinilid sa sementadong steel box na itinapon sa karagatan ng Navotas City — dahil sa testimonya ng isang saksi.

Pero napakabagal ng pag-usad ng kaso kaya hindi pa nakakamit ng pamilya niya ang katarungan.

Naulila ni Ruby Rose ang dalawang anak nila ni Manuel Jimenez III, sina Marga at Marta na maliliit pa nang mawalan ng ina.

Twenty-five years old na ngayon si Marga, at 18 years old si Marta.

Pero wala na silang komunikasyon sa pamilya ng nanay nila buhat nang paslangin ito.

“Pinapadalhan lang kami ng pictures kapag nakikita sila ng mga kakilala namin,” sabi ni Rochelle, na labis nangungulila sa kanyang mga pamangkin na 19 taon na rin nilang hindi nakikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Brazilian actor Jefferson Machado, natagpuang patay sa loob ng ibinaong wooden chest

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ciony Barrameda, the mother of murder victim Ruby Rose Barrameda (right) and actress Rochelle Barrameda (left photo), died on December 14, 2025. Until her passing, the Barrameda matriarch continued seeking justice for her daughter who was murdered in 2007.
PHOTO/S: Rochelle Barrameda Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results