PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

James Blanco, napilitan lang umaming hiwalay na sa asawa

James Blanco, may mensahe sa kanyang mga anak na sina Iñigo Jose at Sebastian.
by Jojo Gabinete
Published Mar 15, 2026
james blanco and sons
James Blanco on estranged sons Inigo Jose and Sebastian: “Bilang tatay, nandito lang naman ako... I-explain lang nila sa akin kung ano ang problema. Huwag silang tumingin sa pagkukulang sa pinansiyal, tumingin sila kung anuman yung mga naitulong ko bilang tao sa kanila... Kung ang pinansiyal na kakulangan, e, magiging basehan mo para maging masamang tatay ka, parang hindi yata maganda yon.”
PHOTO/S: Instagram

Sa panayam ng Cabinet Files kay James Blanco noong Disyembre 2025, nabanggit niyang anim na taon na siyang hiwalay sa kanyang asawa na si Tania Creighton.

Pero kasunod nito ang hiling niyang huwag nang ilabas ang naturang impormasyon.

Iginalang ng Cabinet Files ang pakiusap ni James na huwag nang isulat ang paghihiwalay nila ni Tania dahil sa kagustuhan umano niyang protektahan ang pribadong pamumuhay ng kanyang pamilya.

Nang muling makausap ng Cabinet Files si James ngayong Linggo ng gabi, Marso 15, 2026, sinabi niyang napilitan siyang aminin ang katotohanan matapos ibunyag ng kanyang anak, ang former PBB Celebrity Collab 2.0 housemate na si Iñigo Jose, sa publiko na hiwalay na ang kanyang mga magulang.

Read: James Blanco on estrangement from kids: "Napakasakit."

JAMES BLANCO ON BREAKING HIS SILENCE

Ipinaliwanag ni James na kailangan nitong basagin ang pananahimik dahil sa mga mapanumbat na mensahe na kanyang natatanggap.

Kabilang na rito ang umano'y hindi niya pagsuporta kay Iñigo nang sumali ito sa PBB: Celebrity Collab Edition 2.0.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sinasabi nilang pabaya akong tatay. Hindi ko sinuportahan ang anak ko sa PBB.

"At nung lumabas siya sa PBB house, wala ako. Anong alam nila kung nasaan ako?” ang pahayag ni James sa Cabinet Files.

Ayon sa aktor, wala siyang natanggap na imbitasyon kaya hindi siya nasilayan nang lumabas si Iñigo mula sa PBB house.

Read: Iñigo Jose, Lee Victor evicted from PBB: Celebrity Collab 2.0

Masakit daw sa kalooban ni James na hindi na siya kinakausap ng kanyang mga anak na sina Iñigo at Sebastian mula pa noong Disyembre 2025.

Diumano, hindi na rin sumasagot ang dalawa sa mga text message na ipinadadala niya.

Hiningi ng Cabinet Files ang mensahe ni James para kina Iñigo at Sebastian.

Saad niya: “Simple lang naman, hindi nila ako kaaway.

"Hindi ako kaaway ng mga anak ko, kakampi nila ako sa lahat ng bagay.

"Huwag nilang isipin na kaaway nila ako dahil ako magtatanggol sa kanila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Huwag nilang isipin na sinisiraan ko sila or ang nanay nila."

Malungkot na pagpapatuloy ni James: "Nasasaktan din ako bilang tatay.

"Masakit kasi siyempre ito yung mga panahong sinabi ko sa sarili ko na ayoko talagang magkakaroon ng isyu, tapos ang anak ko pa ang topic sa showbiz.”

Read: Ina ni Ruby Rose Barrameda, kinamatayan na ang paghahanap ng hustisya para sa anak

JAMES BLANCO SAYS HE'S WILLING TO WAIT FOR HIS SONS

Hanggang kailan siya maghihintay na kausapin siya ng kanyang mga anak?

Sagot ni James: “Bilang tatay, nandito lang naman ako. Ang tatay… siyempre hanggang malakas ako, maghihintay ako sa kanila.

“I-explain lang nila sa akin kung ano ang problema.

"Huwag silang tumingin sa pagkukulang sa pinansiyal, tumingin sila kung anuman yung mga naitulong ko bilang tao sa kanila.

“Kasi lahat naman tayo nagkakaproblema sa pinansiyal.

"Kung ang pinansiyal na kakulangan, e, magiging basehan mo para maging masamang tatay ka, parang hindi yata maganda iyon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba siya nalulungkot na nalaman ng publiko na hiwalay na sila ni Tania dahil sa pagsali ni Iñigo sa PBB?

“Sinabi ko na iyan kay Iñigo. Sabi ko, ‘Maging ready ka.’

“Sinabi ko sa kanya, 'Hindi ako showbiz na tao. Nasa industry ako pero hindi ako showbiz na tao.

“'Ayoko yung mga pinag-uusapan, maging publicity tungkol sa yo, mga negative. Hindi ako pabor sa ganoon.

“'Kung magkakaroon ka ng publicity, yung maganda, like may na-achieve ka sa industry, hindi negative,'” saad ni James.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng mga nabanggit sa artikulong ito.

Read: Bahay na tinirhan ni Jose Rizal sa Germany, binili ni Rep. Leandro Leviste

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Blanco on estranged sons Inigo Jose and Sebastian: “Bilang tatay, nandito lang naman ako... I-explain lang nila sa akin kung ano ang problema. Huwag silang tumingin sa pagkukulang sa pinansiyal, tumingin sila kung anuman yung mga naitulong ko bilang tao sa kanila... Kung ang pinansiyal na kakulangan, e, magiging basehan mo para maging masamang tatay ka, parang hindi yata maganda yon.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results