Beauty-queen material ang Warat lead actress na si Margaret Diaz, 20.
Marami ang kumukumbinsi sa kanyang sumali sa national beauty pageants, pero nag-aalala raw siyang baka maging isyu ang pagiging sexy star niya.
Natuklasan si Margaret ng talent manager na si Len Carillo sa isang local beauty pageant sa Cavite bago siya inilunsad sa remake ng Balahibong Pusa, ang pelikula ng Viva Films na pinagbidahan ni Joyce Jimenez noong 2001.
Read: Bahay na tinirhan ni Jose Rizal sa Germany, binili ni Rep. Leandro Leviste
Marami ang nagsasabi sa kanyang subukan ang kapalaran niya sa mga national beauty pageant tulad ng Binibining Pilipinas, Miss World Philippines, at Miss Universe Philippines.
Pero ayon kay Margaret: “Natatakot po ako sa mga side comment na malala. Mahe-hurt po ako para sa nanay ko kapag nabasa niya.
“Ngayon po kasi parang nangangapa pa ako, nako-conscious.”
Natatakot si Margaret sumali sa mga national beauty pageant dahil baka hindi siya matanggap, kahit naranasan na niya noong magpunta sa Kagandahang Flores, ang boot camp para sa mga kababaihang nangangarap na maging beauty queen.
“Na-try ko po noon ang Kagandahang Flores. Nakailang screening po ako dun pero, feeling ko lang, I don’t have the qualities,” may agam-agam na lahad ni Margaret, na nagtataglay ng magandang mukha at height na papasa sa mga national beauty pageant.
Read: Aktres, high-ranking government official ang bagong karelasyon
WARAT REMAKE
Habang hindi pa nakakapagdesisyon si Margaret tungkol sa pagsali sa mga beauty contest, ang pag-aaral at ang kanyang mga proyekto sa VMX ang pinagtutuunan niya ng pansin at panahon.
Ang remake ng Warat na pinagbidahan din noon ni Joyce ang bagong pelikula ni Margaret kaya hindi maiwasang pagkumparahin sila.

“Ikino-compare po ako kay Joyce. Siguro dun po ako nate-tense pero super grateful po ako na mga dating pelikula ni Joyce ang ginagawa ko.
“Yung original Warat po, pinanood ko at during our shooting po, it was fun kahit super pagod na ang lahat,” kuwento ni Margaret, aa natutuwa at nagpapasalamat dahil sa mga papuri sa kanyang pagganap sa Warat.
Read: Edu Manzano hard launches relationship with tech CEO Ann Cuisia