PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jeric, tumangging sabihin ang dahilan ng breakup nila ni Rabiya

Jeric Gonzales, pinasalamatan si Rabiya Mateo sa pagmamahal sa kanya.
by Jojo Gabinete
Published Mar 17, 2026
jeric gonzales rabiya mateo breakup
Jeric Gonzales on what would he tell ex-girlfriend Rabiya Mateo if they meet again: “Thank you kasi ang dami kong natutunan sa relationship namin. Of course, she loved me for who I am. I mean, showbiz, it’s very difficult na magkaroon ng relasyon. But lahat, inintindi niya yon. Malawak siyang tao, si Rabiya, and I [will] thank her kasi inalagaan niya ako for those years."
PHOTO/S: GMA Network / Instagram

Marami ang pumupuri sa magandang pangangatawan ngayon ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales.

Ayon kay Jeric, 15 pounds ang nabawas sa timbang niya dahil pumupunta siya sa gym ng apat na beses sa isang linggo para mag-ehersisyo.

Nang makausap ng Cabinet Files si Jeric, sinabi nitong may kinalaman sa bagong pelikulang kanyang gagawin ang pagpapayat niya. Pero hindi pa puwedeng sabihin ang pamagat.

Nagkaroon ng pagkakataon ang Cabinet Files na kumustahin si Jeric sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda noong Lunes, Marso 16, 2026.

Read: James Blanco, napilitan lang umaming hiwalay na sa asawa

JERIC GONZALES ON BREAKUP WITH RABIYA MATEO

Ang dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang dating kasintahang si Rabiya Mateo ang isa sa mga itinanong ni Boy Abunda kay Jeric.

Pero magalang itong tumanggi na sabihin ang katotohanan.

“I can’t answer that question. I am sorry," sabi ni Jeric.

"Pero si Rabiya kasi, wala siyang binanggit about me, sa topic na ito, about the breakup.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, parang bilang respeto sa kanya, ayoko pang magsalita about it.”

Pero sinagot nito ang tanong kung ipinaglaban ba niya ang kanilang paghihiwalay at magkabalikan sana sila?

Ani Jeric: “Of course, Tito Boy. Hindi ko maipagkakaila yon na ipinaglaban namin.

"But of course, there are things na, mutually, napagkasunduan din namin na parang, 'Kung ilalaban natin ito, parang mas mahihirapan tayo pareho. We have to grow.'

"Nag-usap kami. We are friends."

Hindi man inilahad ni Jeric ang ugat ng pagwawakas ng relasyon nila ni Rabiya, nagsalita siya nang itanong ang mga sasabihin niya kung sakaling magpapasalamat at hihingi siya ng sorry sa kanyang ex-girlfriend.

Mensahe ng aktor: “Thank you kasi ang dami kong natutunan sa relationship namin.

"Of course, she loved me for who I am. I mean, showbiz, it’s very difficult na magkaroon ng relasyon.

"But lahat, inintindi niya yon. Malawak siyang tao, si Rabiya, and I [will] thank her kasi inalagaan niya ako for those years.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sorry kasi sana masasamahan ko pa siya ngayon sa lahat ng mga journey niya.

"But I’m proud of her and I wish all the best pa rin sa lahat ng ginagawa niya.

"And we’re friends. Nandito pa rin ako.”

Read: "Golden" composers, binastos sa kanilang acceptance speech sa Oscars 2026?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jeric Gonzales on what would he tell ex-girlfriend Rabiya Mateo if they meet again: “Thank you kasi ang dami kong natutunan sa relationship namin. Of course, she loved me for who I am. I mean, showbiz, it’s very difficult na magkaroon ng relasyon. But lahat, inintindi niya yon. Malawak siyang tao, si Rabiya, and I [will] thank her kasi inalagaan niya ako for those years."
PHOTO/S: GMA Network / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results