Isang biyaya para kay Joseph Marco na si Rhen Escaño ang kapareha niya sa Viva One original series na My Husband is a Mafia Boss.
Kumportableng-komportable raw siya kaya naging madali sa kanyang gawin ang lahat ng mga eksena nila.
Muling humarap sina Marco at Rhen sa entertainment media ngayong Martes, Marso 17, 2026 para ibalita na mapapanood sa Viva One ang romance-comedy series na pinagbibidahan nila simula sa Abril 11.
“Sobrang enjoy ko po na makatrabaho si Rhen," sambit ni Joseph.
"I guess, ito yata yung pinaka-genuine na teamup na nagawa ko, and I am so blessed to have her as my leading lady for the Mafia Boss.
“I don’t think I would be able to do the things I do here kung hindi siya ang ka-partner ko that’s why I am so thankful.
"Very healthy yung relationship namin and every time we have tapings, I am always excited to work with her.
“I feel so safe na siya yung kapartner ko. Sobrang supportive niya sa lahat ng mga eksena namin.
"Kahit alam ko na sobrang challenging yung mga magiging eksena, I am confident dahil alam ko nandiyan siya sa tabi ko,” papuri ni Marco sa kanyang leading lady.
RHEN ESCAÑO ON DIREK FIFTH SOLOMON
Si Fifth Solomon ang direktor ng My Husband is a Mafia Boss.
Siya naman ang pinasalamatan ni Rhen dahil nagampanan daw nang maayos ang kanyang karakter bilang Aemie.
Ang My Husband is a Mafia Boss ang unang rom-com project ni Rhen na aminado na nahirapang ilabas ang kanyang funny side kaya malaking tulong ang acting workshop nila.
Kuwento ni Rhen: “Malaking bagay yung workshop bago nag-start yung taping kasi first time ko pong gumawa ng romcom na comedy talaga.
“Alam na alam ng lahat kung gaano kabaliw si Aemie. Sobrang yung character niya, talagang malala. Hindi siya madaling i-portray.
“Honestly, ang hirap ng kailangan kong maging OA.
"So, nung workshop namin, as in siguro nakaka-two days na kami, nagwo-worry ako na hindi siya lumalabas naturally, tapos halatang iniisip ko yung script. Hindi mailabas ng funny side ko.
"Akala ko noong una, 'Hindi ko yata kaya. Paano?'"
Nawala raw ang mga agam-agam ni Rhen dahil sa tulong ni Fifth.
Saad niya: “Buti na lang, si Direk nandoon. Sobrang hands-on po niya.
"Kahit sa workshop, sumasama siya sa amin and we all know naman na sobrang witty and funny ni Direk Fifth.
“Kung kilala ninyo siya as a friend, alam ninyo talaga na sobra yung imagination niya na nakatulong talaga.
"Kaya dun sa trailer, malaki ang percentage na ambag ni Direk Fifth.
“Lumabas yung character ni Aemie na sobrang funny na hindi kailangan na piliting maging funny.”