Tukoy na ni Nico Locco ang totoong pagkakakilanlan ng babaeng kasama niya sa kumalat na kontrobersiyal na video scandal nila.
Ayon sa Italian-Canadian model-actor, gumamit ng alias ang babae nang i-stalk siya sa Instagram.
Pinilit din umano siya ng babae na puntahan siya ni Nico sa condominium unit na tinitirhan ng babae sa Mandaluyong City.
Dahil sa paglitaw ng mga videos ay nalaman ni Nico na may hidden camera sa kuwarto ng babae.
Wala raw kamalay-malay ang aktor na nakunan nang buong-buo ang mga pribadong sandali niya kasama ang babae.
Ang malinaw na kopya ng intimate video ang naging daan para malaman ni Nico ang totoong pangalan ng babae—na nakilala ng ilang netizens at nagpadala raw ng mensahe sa aktor.
Read: Nico Locco on leaked video scandal: "Yes. It’s me."
NICO LOCO URGED TO FILE A FORMAL COMPLAINT
May mga lumitaw na larawan diumano ng babae sa iba’t ibang social media platforms, pero sigurado si Nico na AI-generated ang mga ito.
Ayon sa VMX actor, ibang-iba ang hitsura ng babae sa personal.
At dahil alam na niya ang kumpletong pangalan ng babae, may mga kumukumbinsi sa kanyang magsampa ng kaso.
Ang pagkuha kasi ng video sa pribadong pangyayari nang walang consent ng taong involved ay paglabag sa Republic Act 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009).
Pinag-iisipan at pinag-aaralang mabuti ni Nico ang kanyang susunod na hakbang, kahit may mga nagsasabing malakas ang laban nila ng iba pang aktor na may video rin kasama ang babae.
Read: Nico Locco, aamin umano kapag may lumabas na video scandal niya
NICO LOCCO RECEIVES THREATS
Sa mga artistang sangkot sa leaked intimate videos, si Nico ang kauna-unahang umamin kahit hindi pa lumalabas ang kanyang video.
Pero bago nagsalita si Nico sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na aaminin nitong siya ang tampok sa video kapag lumabas ito, may mga taong hindi niya kilala na nagpapadala raw sa kanya ng mga mensahe.
Nakasaad sa mensahe na hindi lalabas ang video kapag nagbigay raw siya ng malaking halaga.
Pero imbes na matakot sa mga natanggap na banta, pinili niyang magsalita sa PEP at aminin ang katotohanan noong Marso 4, 2026.
Apat na araw matapos ilathala ng PEP ang panayam kay Nico, sumambulat sa social media ang kopya ng mga video noong Marso 8.
Inasahan na raw niyang mangyayari ito dahil hindi siya pumatol sa pananakot at pangingikil ng mga hindi kilalang tao na nagpadala ng mensahe sa kanyang cellphone at social media accounts.
Related Stories:
- Andre Cue, umamin sa kinasasangkutang video scandal
- Arron Villaflor finally addresses alleged video scandal
- Benjie at Andre Paras itinangging may video scandal si Kobe Paras
- Nikko Natividad admits video scandal: "Nademonyo ako, natukso."
- Gil Cuerva breaks silence amid leaked video scandal
- Tatlong biktima sa leaked video scandal, pare-pareho ang kuwento
- Facebook post ni Ron Angeles, reaction niya sa video scandal?
- Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat