Isa sa mga proyektong gustong gawin ni Andre Yllana ay kasama ang kanyang mga magulang na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana.
Inilahad ni Andre ang pangarap nito sa mga miyembro ng entertainment media sa kanyang muling pagpirma ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) na naganap sa Viva Entertainment office, Pasig City, nitong Miyerkules, Marso 18, 2026.
“Actually, gustung-gusto ko po na makatrabaho sana si Mommy o kaya si Daddy kasi never ko pa po nagawa yon.
“Napag-usapan po namin ni Mommy yan, tapos feeling nga po niya, maganda raw po.
"Kaso ako, feeling ko, hindi ko kakayanin. Feeling ko, mao-awkward ako nang malala kay Mommy.
"Feeling ko, tatalakan niya ako. Feeling ko lang po, lalabas yung pagiging mom niya na, ‘O ganito. O ganyan,’” natatawang rebelasyon ni Andre.
Read: Netizens, kinuwestiyon ang sabay-sabay pag-graduate ng apat na celebs sa PCU
Nangangarap din si Andre na makilala bilang versatile actor.
Saad niya: “If I’m gonna be given the opportunity to have a choice po, mas gugustuhin kong maging versatile actor po.
“I would like to explore different roles para po masubukan ko yung different crafts po. Mas gusto ko po yung versatility kesa ma-stuck in one genre.”
ANG MUTYA NG SECTION E
Ang karakter ni Aries na ginampanan niya sa phenomenal Viva One series na Ang Mutya ng Section E. ang itinuturing ni Andre na isa sa mga biyaya na kanyang natanggap.
Dahil daw rito kaya mas nakilala siya ng publiko.
Ani Andre: “Super laki ng blessing ng Ang Mutya ng Section E. Kasi after po nun, talagang nakikilala po ako bilang Aries.
“Meron nga po na one time, nasa mall po kami ni Mommy, tapos tinawag ako na Aries. E, hindi naman po nanonood si Mommy ng show namin nung time na yon.
“Sabi niya, ‘Anong Aries?’ Sabi ko, 'Ma, yung role ko po yon.'
"Natuwa po siya.”
Read: Caprice Cayetano overwhelmed by "life-changing" moments after PBB
ANDRE YLLANA WANTS TO BE FINANCIALLY STABLE
Hindi nawawala ang "po" at "opo" sa pananalita ni Andre, isang pruweba ng maayos na pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya.
Hindi lamang magalang at mapagmahal na anak si Andre dahil ipinakita nito ang pagiging responsable nang sabihin niya ang kagustuhang suklian ang kabutihan ng kanyang ina.
Aniya: “Gusto ko po sanang maging financially stable saka, finally po, sana makabawi na po ako kay Mommy dahil ever since, dati po, siya po yung nagpalaki sa akin.
“Everything, financially, lahat po talaga siya kaya gusto ko po makabawi.”
Napangiti si Andre nang tanungin tungkol sa mga ugali ng kanyang magulang na minana niya.
“Siguro po yung pakikisama kasi parehas naman po magaling makisama si Mommy saka si Daddy.
“Si Mommy po, hindi siya kuripot, kaya alam naman po siguro ng mga kaibigan ko, hindi ako kuripot, kasi inililibre ko sila ng kape.
"So, hindi po ako kuripot.
“Kay Daddy, hindi po trait, e. Parang mannerism po.
"Mahilig po kasi si Daddy na mag-wet ng lips, unconsciously, parang nagiging mannerism ko na rin po," saad ni Andre.
Read: "Golden" composers, binastos sa kanilang acceptance speech sa Oscars 2026?