Sa kasalukuyan, pangatlo sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines ang Made in Korea, ang Indian comedy-drama movie na pinagbibidahan ng Indian actress na si Priyanka Mohan, 31, at ng South Korean actress na si Park Hye-jin, 67, na napanood sa popular Squid Game series.
Nag-umpisa ang Netflix streaming sa Made in Korea noong Marso 12, 2026.

Mabilis nitong nakuha ang atensiyon at interes ng Pinoy viewers na mahihilig sa Korean movies at drama series.
Kinunan sa South Korea at India ang mga eksena ng Made in Korea na isang feel-good at highly entertaining movie kaya naging popular agad ito sa Filipino audience.
Read: James Blanco, napilitan lang umaming hiwalay na sa asawa
MADE IN KOREA ON DISNEY PLUS
Ibang-iba ang kuwento ng Made in Korea sa Made in Korea, ang South Korean period political television series na pinangungunahan ng Crash Landing On You lead star na si Hyun Bin.

Parehong-pareho ang mga pamagat ng Indian movie at ng South Korean series.
Pero walang dapat ikalito ang Pinoy viewers dahil napapanood sa Netflix ang pelikula nina Priyanka at Park Hye-jin, samantalang matutunghayan sa Disney Plus ang drama series ni Hyun Bin.
PINOY MOVIES ON TOP 10
Tatlo ang Philippine-made movies na kasama sa Top 10 ng Netflix Philippines sa kasalukuyan: Meet, Greet & Bye (Maricel Soriano, Piolo Pascual at Joshua Garcia), No. 7; Wild Little Love (Andrea Brillantes at Seth Fedelin), No. 8; at Unexpectedly Yours (Sharon Cuneta and Robin Padilla), No. 9.
Nananatiling numero uno sa Netflix Philippines ang action movie na War Machine, kasunod ang Kung Fu Panda 4; at pangatlo nga ang Made in Korea.
Maaaring tumaas pa ang puwesto ng Made in Korea dahil sa word of mouth na nakakaaliw ang nabanggit na Indian movie.
Read: Nico Locco, tukoy na ang babaeng kasama niya sa video scandal