Hindi itinanggi ni Andre Yllana na may pagkakataong nagkakaroon siya ng "cringe moments" kapag napapanood niya ang TikTok videos ng kanyang ina na si Aiko Melendez at ng boyfriend nitong si Onemig Bondoc.
Natatawang inamin ni Andre ang kanyang pakiramdam tungkol sa relasyon nina Aiko at Onemig nang makapanayam siya ng entertainment press matapos ang muling pagpirma niya ng kontrata sa Viva Artists Agency.
Read: Aiko Melendez hard launches relationship with Onemig Bondoc on IG
Sabi ng young actor: “Aaminin ko, minsan oo. Kapag nagti-TikTok sila ng mga kantahan nila… eek. This must be love.
“Napapa-'sana all' na lang po ako kasi happy po talaga sila.
"Hindi ko na nakikita si Mommy, nagseselos na ako."
Hindi nawala ang ngiti ni Andre habang sumasagot sa mga tanong tungkol sa pagmamahalan nina Aiko at Onemig.
Binanggit din niyang masayang-masaya ang kanyang ina.
“Parang dalaga si Mommy ngayon. Very happy po si Mommy.
"Tapos pa-out of town, out of town lang," nakangiting sabi ng binata.
Read: Aiko Melendez, Onemig Bondoc clarify they're not "naggagamitan"
ANDRE ON HIS MOTHER MARRYING AGAIN
Payag daw si Andre na muling magpakasal si Aiko.
“Oo, it’s about time na maging masaya ka, Mommy. Ano po yan, unspoken ever since dati.
"Pagdating sa akin kasi, sabi ko kay Mommy, 'Kung gusto mong magpakasal ka uli, basta mahal mo yung tao at masaya ka, go. Pero kung hindi ka naman pagpapalain,' sabi ni Mommy, okay na daw siya sa mga anak niya.
"Kung hindi siya pagpalain ng kasal, andito naman kami, Ma.”
Tatlong beses nang naranasan ni Aiko na ikasal.
Una siyang nagpakasal sa ama ni Andre at ex-husband na si Jomari Yllana sa isang civil ceremony noong Disyembre 16, 1998.
Noong Hulyo 23, 2000, nagpakasal sila uli sa simbahan.
Humantong din sa church wedding ang relasyon ni Aiko kay Martin Jickain noong 2006, pero hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama.
Mayroong isang anak na babae sina Aiko at Martin, si Marthena.
Read: Onemig Bondoc, Aiko Melendez "happy together... after 29 years"
ANDRE ON HIS RELATIONSHIP WITH ONEMIG
Nang tanungin tungkol sa relasyon nila ni Onemig, sinabi ni Andre na magaganda ang mga payo na natatanggap niya mula sa kasintahan ng kanyang ina.
Saad niya: “Okay po siya kasi ano po siya, si Tito Onemig, nakaka-relate po siya sa akin when it comes to sa daddy issues.
“So, maganda po yung mga advice na ibinibigay niya sa akin about it.”
Umayon si Andre sa opinyon na nagpapakatatay sa kanya si Onemig.
Aniya, "I can see naman po na he’s really trying to be close with me."
Read: Andre Yllana, nagsalita sa rumored Aiko-Onemig relationship