Ibinahagi nina Kim Molina at Jerald Napoles ang kuwento tungkol sa viral video ng kanilang wedding reception na ginanap sa Amorita Resort, Panglao Island, Bohol, noong Marso 1, 2026.
Ang kinaaliwang viral video ang resulta ng malikhaing imahinasyon nina Kim at Gerald na nagkasundong gawing masaya ang pagpasok nila sa wedding reception venue.
Unang lumitaw si Kim kasama si Alden Richards.
Sumunod naman ay kasamang lumabas ni Kim si Gerald Anderson, na kapangalan ng kanyang mister na si Jerald.
Kung may "Kim and Gerald," siyempre meron ding "Kim and Jerald."
Pero sa halip na si Kim Molina ang kasama ni Jerald, si Kim Atienza ang lumabas sa entablado.
Read: Kim Molina at Jerald Napoles, "natulog" lang noong first night
THE HILARIOUS AND UNIQUE ENTRANCE OF THE NEWLYWEDS
Nang makausap sila ng entertainment media sa pocket presscon para sa pelikula nilang Wonderful Nightmare, ikinuwento nina Kim at Jerald ang kuwento sa likod ng nakakaaliw at kakaiba nilang entrance.
Lahad ni Kim: “Ayaw kasi namin ng boring na program.
"Parang ayokong pumasok nang normal. Parang hindi tayo yon.
"Tapos naisip ko, 'Papayag kaya si Alden?' Ang dapat, papasok ako talaga na si Alden yung kasama ko.
"Mas nakakatsika ko na si Alden kasi matagal na silang friends ni Je.
“Sabi ni Je, 'Oo, papayag yon.Game naman yon.’
“Kumbaga, parang yun na rin ang introduction sa kanya.
"Nakakahiya naman kay Alden, lumipad pa [sa Bohol]. Ma-acknowledge din siya.
“Yung effort kasi ng mga tao, sila talaga, pumunta talaga sila.”
Hiningi muna raw ni Kim ang permiso ni Alden para gamitin sa kanilang grand entrance ang kantang “God Gave Me You,” na sumikat nang husto noong kasagsagan ng tambalang AlDub nina Alden at Maine Mendoza.
“Nagpaalam pa ako kay Alden kasi ako ang nag-ready ng music.
"Sabi ko, 'Alden, pasensya na ha? Alam mo na kung ano ang kanta na to.'
“'Ano, bagong-bago?' 'Oo, God Gave Me You.'
“Sabi ni Alden, ‘Okay na yan. Alam na ng mga tao yan.’”
Read: Nico Locco, tukoy na ang tunay na katauhan ng babaeng kasama niya sa video scandal
"BAGSAKAN" WITH GLOC-9 OR SCENE WITH ALDEN
Pinatotohanan ni Jerald ang sinabi ni Kim na ayaw nila ng nakababagot na wedding program.
Pero kabilang daw sa orihinal na plano na kakanta sila ng "Bagsakan," kasama ang singer-rapper na si Gloc-9.
Saad ni Jerald: “We’re supposed to really surprise the audience that this is not your formal…
"Kasi napag-usapan namin ni Kim, 'Nakailang wedding na tayo [na pinuntahan], pare-parehas. Sobrang alam na natin yung mangyayari.'
“Ayaw na namin yung habang kumakain sila, mag-stay lang sila na nakaupo dahil nakikisama sila sa amin.
“Ang una pala naming idea, maghanap kami ng 'Bagsakan,' kasi may Gloc-9 na secondary sponsor.
“Supposedly, Mr. and Mrs. Napoles first two verses, hati talaga kami ni Kim. Tapos yung Gloc-9 verse, kakanta siya.
“Kasi sabi namin, it’s too big of a spectacle then after that, 'Picture-picture na po tayo, Table No. 1.'
"Parang hindi bagay na tatawagin yung Table 1 tapos magpi-picture-picture. Parang babagsak uli.
"Sabi ko, kailangan semi lang. Kailangan tawa.
"Tapos naisip ni Kim, si Alden."
Ikinuwento ni Jerald ang naisip niyang eksena nila ni Alden.
“Noong una, ang blocking ko, lalabas ako, 'Bakit ‘yan? Hindi yan! Umupo ka nga doon. Bisita ka lang!’
“Tapos naisip namin, may Gerald Anderson, Kim-Gerald,” pagbabahagi ni Jerald.
Pagpapatuloy na lahad ni Kim: “'O sige, kung papayag si Gerald.'
"Pero nasa isip ko na yon. Meron akong, 'Hoy, eto yung totoong Gerald!'
“Hindi naman talaga namin goal na mag-viral. Gusto lang namin fun.
"Yun lang ang dapat na goal, si Alden saka si Gerald.”
Ang singer-composer na si Yumi Lacsamana, na kaibigan ni Kim, naman daw ang nakaisip na isama sa wedding reception entrance si Kim Atienza.
Saad ni Kim: “Hanggang sa nag-bachelorette party ako. Nag-bridal shower ako.
“Sa bridal shower, naisip yung kay Ninong Kim.
"Si Yumi Lacsamana actually, sabi niya, ‘Isama ninyo kaya si Kuya Kim? Nakakatawa yon!’
“Sabi ko, 'Oo nga ano?'
"Initially, hindi namin inisip si Ninong Kim kasi siyempre ninong siya.
"Ayaw naman naming istorbohin yung mga ninong na. E, sobrang game sila.”
At sa kanilang mismong wedding reception, naisakatuparan ng bagong kasal ang nakakatawa at hindi malilimutang moment na iyon na nag-viral pa.
Read: Rave Victoria recalls asking permission to court Ashley Sarmiento