Ang kakaibang kumpiyansa sa sarili ni Arron Villaflor ang napansin ng ilan sa mga dumalo sa red-carpet premiere ng Pater Noster (Our Father) na naganap sa Cinema 2 ng SM Megamall, Mandaluyong City, ngayong Lunes, Marso 23, 2026.
Ang Pater Noster ang pelikulang pinagbibidahan nina Arron at Archi Adamos na magbubukas sa mga sinehan sa darating na Miyerkules, Marso 25.
Habang naglalakad si Arron sa red carpet, paulit-ulit ang pagsigaw niya ng “I love you all” at pagbibigay ng flying kiss sa mga tao.
Malakas na tilian mula sa “fans” na mga miyembro umano ng ArroNation fans club ang sumalubong kay Arron, na paulit-ulit nagpasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa red-carpet premiere ng kanyang pelikula.
Matiyagang naghintay ang entertainment press sa pagdating ni Arron, pero nabigo silang makapanayam ang kontrobersiyal ngayong aktor kahit sinabi nitong magpapainterbyu siya pagkatapos ng screening ng Pater Noster.
Hindi na nangulit ang entertainment press na kumbinsidong hindi na magsasalita si Arron tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan at pinagpistahan ng publiko ang pagkalat ng intimate video nila ng dalawang hindi nakikilalang babae na kasama niya.
Read: Nico Locco, tukoy na ang babaeng kasama niya sa video scandal
ARRON INITIALLY DENIED THE EXISTENCE OF HE INTIMATE VIDEO
Noong hindi pa lumilitaw ang maselang panoorin, mariing pinabulaanan ni Arron sa panayam ng Cabinet Files, bago mag-umpisa ang press conference para sa Pater Noster noong Pebrero 27, 2026, na may video scandal siya.
Kampanteng-kampanteng sinabi ni Arron na kuha mula sa eksena ng VMX movie na pinagbidahan niya ang pinaghihinalaang video scandal.
Pero kinabukasan, Pebrero 28, mabilis na kumalat at pinagpasa-pasahan sa social media ang video na napatunayang hindi parte ng kanyang proyekto sa VMX.
Read: Arron Villaflor interview, hindi tungkol sa alleged video scandal
Noong Marso 10, sa pamamagitan ng isang opisyal na pahayag, inamin ni Arron na siya ang tampok sa video.
Sinabi ni Arron na biktima siya ng unauthorized recording at illegal distribution ng private video na paglabag sa Republic Act No. 9995.
Aniya: “The matter has now been formally referred to the proper authorities for proper investigation.”
Mula sa 601K followers noong Pebrero 27, meron nang 613K followers ang Instagram account ni Arron.
Tumatanggap si Arron ng mga mensahe ng suporta na nagpapalakas ng loob niya para labanan ang mga nambiktima sa kanya.
Ang mga suportang natatanggap ni Arron mula sa mga taong nakikisimpatiya sa kanya ang pinaniniwalaang dahilan ng pagkakaroon niya ngayon ng kakaibang kumpiyansa sa sarili.
At tunay na mula sa puso ang paulit-ulit na sigaw ng aktor ng “I love you all at maraming salamat!”
Read: Arron Villaflor finally addresses alleged video scandal