PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eman Bacosa Pacquiao, milyonaryo na sa dami ng endorsements?

Eman Bacosa Pacquiao, "secret" ang sagot nang tanungin kung milyonaryo na siya.
by Jojo Gabinete
Published Mar 24, 2026
eman bacosa pacquiao
Eman Bacosa Pacquiao with showbiz personalities (clockwise) Vice Ganda, Julia Barretto, Anne Curtis, and Andrea Brillantes at Dra. Vicki Belo's (not in photo) birthday bash.
PHOTO/S: Eman Bacosa Pacquiao Facebook

“Secret” ang nakangising sagot ni Eman Bacosa Pacquiao nang itanong ng Cabinet Files kung milyonaryo na siya.

Kahit “secret” ang sagot ni Eman, alam ng marami na milyonaryo na ang anak ni Manny Pacquiao dahil sa kanyang sunud-sunod na product endorsements buhat nang makuha niya ang atensiyon ng publiko nang manalo siya sa boksing sa Thrilla in Manila 2 na ginanap sa Araneta Coliseum, Quezon City, noong Oktubre 29, 2025.

Read: Anak ni Manny Pacquiao, panalo sa Thrilla in Manila 2

Matagal namalagi sa Metro Manila si Eman noong nakaraang linggo dahil sa kanyang mga commitment, tulad ng taping para sa Kapuso primetime series na Never Say Die.

Mula sa North Cotabato, bumiyahe si Eman sa Metro Manila noong Marso 15 para sa taping niya sa action-drama series na pinagbibidahan nina Jillian Ward at David Licauco.

Binigyan si Eman ng special participation sa Never Say Die dahil tinatangkilik ng publiko ang pag-uugnay sa kanya kay Jillian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga nagsasabing publicity lamang para sa primetime series ng GMA-7 ang balitang nagkakamabutihan ang dalawa. pero may mga naniniwalang unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Eman kay Jillian.

Nakatakdang ipalabas ang special participation ni Eman sa Never Say Die sa Abril 2026.

Read: Eman Bacosa Pacquiao, "secret" kung nanliligaw kay Jillian Ward

EMAN ATTENDS DRA. VICKI BELO'S BIRTHDAY BASH

Hindi lamang ang mga showbiz commitment ang pinagkaabalahan ni Eman habang nasa Metro Manila ito.

Dumalo rin siya sa birthday party ni Dra. Vicki Belo na ginanap sa isang bar sa Bonifacio Global City, Taguig City, noong Linggo, Marso 22.

Noon pang Enero 25 ang 70th birthday ni Dra. Belo pero ipinagdiwang niya ang kaarawan noong Marso 22.

Nangibabaw ang pagiging fanboy ni Eman dahil nagpakuha siya ng litrato kasama ng mga sikat na artista na napapanood lamang niya dati sa sine at telebisyon; gaya nina Anne Curtis, Vice Ganda, Julia Barretto, at Andrea Brillantes.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bago pa siya ipinareha kay Jillian, sina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes ang mga tunay na showbiz crush ni Eman.

Si Andrea ang unang showbiz personality na naging Instagram follower ni Eman noong hindi pa ito popular kaya kinilig siya nang husto sa atensiyong ibinigay sa kanya ng aktres, na nakaharap niya nang personal sa birthday celebration ni Dra. Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Eman Bacosa Pacquiao at Heath Jornales, pasok sa Never Say Die

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eman Bacosa Pacquiao with showbiz personalities (clockwise) Vice Ganda, Julia Barretto, Anne Curtis, and Andrea Brillantes at Dra. Vicki Belo's (not in photo) birthday bash.
PHOTO/S: Eman Bacosa Pacquiao Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results