Magkasama sa girl group na P-pop Generation, na binuo noong 2019, sina Ashtine Olviga at Apphle Celso.
Pareho silang mahusay kumanta pero magkaiba ang kanilang mga landas na tinahak.
Sumikat si Ashtine bilang wholesome actress, habang pinili ni Apphle na magpaseksi sa pelikula nang mabuwag ang P-Pop Generation noong 2023.
Ipinareha si Ashtine kay Andres Muhlach.
Samantalang si Apphle ang nagsabi kay Boss Vic del Rosario ng Viva Entertainment na handa na siyang maging sexy star.
Kay Apphle ipinagkatiwala ang pagbibida sa Scorpio Nights 4 na mapapanood sa VMX streaming site simula sa Martes Santo, Marso 31, 2026.
Read: Carlos Yulo, maayos na ang relasyon sa mga kapatid; pati kaya sa mga magulang?

APPHLE CELSO: NO LIMITATIONS
Nang humarap si Apphle sa entertainment press, matapang ang kanyang deklarasyong wala siyang limitasyon sa mga hubaran na eksena.
Saad ng sexy star: “All out po talaga. I wanna challenge myself.
"Saka parang feeling ko rin, all these years I’ve been focusing on doing TV commercials.
"Puro ako demure, wholesome, and alam din naman ng ibang tao kung saan ako nanggaling, sa girl group.”
Kasunod nito ang rebelasyon ni Apphle tungkol sa kanyang mapangahas na ugali na lingid sa kaalaman ng karamihan.
“Meron akong sexy side. Meron akong wild side na hindi ko mailabas-labas.
"So, sabi ko, bakit ko siya itatago kung puwede ko naman siya gamitin sa Vivamax?” prankang sabi niya.
Nagkaroon ng single si Apphle na pinamagatang "Gwapong Pilipino" at ipinagmamalaki niyang si Sarah Geronimo ang singer-actress na iniidolo niya.
Bukod sa kanyang talento sa pagkanta, commercial model din si Apphle.
Pamilyar sa mga tao ang kanyang hitsura dahil madalas siyang nakakasama ni Coco Martin sa mga TV commercial.
Read: OnlyFans owner Leonid Radvinsky dies at 43
SCORPIO NIGHTS 4
Pero nagpasya si Apphle na gumawa ng pelikula sa VMX at nagpapasalamat siya dahil ibinigay sa kanya ang lead role sa Scorpio Nights 4.
“Creatively, sobrang ganda ng Scorpio Nights 4 and sobrang galing ng idea na gagawin ulit siya.
"But this time, it’s different. Kasi mga tao, kapag iniisip, may Part 1, 2, 3 4.
"Akala nila pare-parehas lang ito, iba-iba lang ang artista. Pero hindi, iba-iba siya ng istorya, iba-iba ng plot twist.
“Nung nabasa ko yung istorya, sabi ko, grabe. Grabe ang istorya.
"Ang ganda kasi iba yung twist. Everything is new to me,” sabi ni Apphle.
Wala raw pagsisisi si Apphle sa reinvention na ginawa sa sarili dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng puwang sa entertainment industry.