PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Grand Thailand 2026 candidate, nagka-"Allan K moment"

Kamolwan Chanago, hinangaan dahil sa pagpapamalas ng grace under pressure.
by Jojo Gabinete
Published Mar 26, 2026
Kamolwan Chanago miss grand thailand 2026
Kamolwan Chanago, a candidate in Miss Grand Thailand 2026, shows grace under pressure despite experiencing an “Allan K moment” during the preliminary competition of the pageant.
PHOTO/S: Instagram / X

Nagkaroon ng "Allan K. moment" ang aspiring Thai beauty queen na si Kamolwan Chanago sa preliminary competition ng Miss Grand Thailand 2026 na naganap sa MGI Hall, Bangkok, Thailand, noong Miyerkules, Marso 25, 2026.

Si Chanago ang kinatawan ng lalawigan ng Pathum Thani sa 13th Miss Grand Thailand.

Sa 77 na opisyal na kandidata, siya ang pinag-uusapan dahil sa kakaibang aksidenteng naranasan niya.

Nang ipakilala ni Chanago ang sarili sa introduction segment ng preliminary competition, natanggal mula sa pagkakakabit ang kanyang dental veneers.

Pero napigilan niyang huwag itong malaglag nang tuluyan.

Mabilis na itinagilid ni Chanago ang mukha nito para maibalik sa puwesto ang kanyang dental veneers at ipinagpatuloy niya ang pagrampa sa entablado na parang walang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: SB19 Pablo on AI covers: “Very unethical...should be illegal”

GRACE UNDER PRESSURE

Nakunan ng kamera ang eksena na mabilis na nag-viral, pero tumanggap ng mga papuri si Chanago dahil sa grace under pressure na kanyang ipinamalas.

Ang karanasan ni Chanago ang nagpaalaala sa mga Pilipino kay Allan K., na muntik nang mahulog ang pustiso sa "Bulagaan" segment ng Eat Bulaga! noong napapanood pa ito sa GMA-7.

Tawang-tawa ang kanyang mga co-host na sina Vic Sotto, Joey de Leon, Toni Rose Gayda, Jimmy Santos, at Francis Magalona.

Umaasa at naniniwala ang mga tagasuporta ni Chanago na hindi makakaapekto ang insidente sa kanyang Miss Grand Thailand 2026 crown bid.

Nakatakda ang coronation night ng 13th Miss Grand Thailand sa Sabado, Marso 28.

Ang magwawagi ang magiging kinatawan ng Thailand sa Miss Grand International 2026 na magaganap sa India sa Oktubre 2026.

Si Sarunrat Puagpipat ang reigning Miss Grand Thailand at siya ang magsasalin ng korona sa kanyang successor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Puagpipat ang first runner-up ni Emma Tiglao, ang Pilipinang Miss Grand International 2025 titleholder.

Read: Emma Mary Tiglao clinches back-to-back Miss Grand International crown for PH

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kamolwan Chanago, a candidate in Miss Grand Thailand 2026, shows grace under pressure despite experiencing an “Allan K moment” during the preliminary competition of the pageant.
PHOTO/S: Instagram / X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results