Ang libreng sakay para sa mga Pilipino ang kontribusyon ni Willie Revillame sa panahon ng fuel crisis sa buong mundo na epekto ng giyera sa pagitan ng US-Israel at Iran.
Dahil sa krisis na ito kaya nagdeklara si President Ferdinand Marcos Jr. ng national energy emergency.
Kasama ang kanyang mga nagmamalasakit na kaibigan, anim na minibus ang binili ni Willie para magamit ng commuters.
Ibinalita ito ni Willie sa kanyang game show na Wilyonaryo kahapon, Marso 25, 2026.
Anunsiyo ng TV host: “Nag-ambag-ambagan kami. Bumili kami ng minibus, ipinapakundisyon lang po namin at nilagyan namin ng sticker na Wilyonaryo.
“Kapag nakita ninyo po yung Wilyonaryo, libreng sakay.”
Read: Pilita Corrales’s BF Homes property up for rush sale at PHP24M
WILLIE REVILLAME TO TALK TO LTFRB
Personal daw makikipag-ugnayan si Willie sa pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa lisensya na kailangan para sa operasyon ng mga Wilyonaryo Libreng Sakay minibus.
Saad niya: “Hopefully, baka po by next week magagamit na po yan at dadalhin po namin sa LTFRB.
"Magpapaalam kami para mabibigyan kami ng lisensya for that.
“Dadaan kasi sa bus lane [ang Wilyonaryo minibus]. Hindi ka puwede sa labas ng bus lane, huhulihin ka.
"So, hihingi po kami [lisensya] at pupunta po ako sa secretary ng LTFRB at makikiusap.
“Ito po ang tulong ng Wilyonaryo. Anim pa lang po yung minibus na ikinukundisyon.
"Maliliit lang po ito pero kapag nakita ninyo yung mga minibus na may sticker na Wilyonaryo Libreng Sakay.”
Malaking ginhawa ang libreng sakay na ito sa mga Pilipinong apektadong-apektado ng mataas na presyo ng gasolina.
Ayon kay Willie, ang mga ruta ng Wilyonaryo mini bus tuwing rush hour ay ang mga susunod: Monumento, Caloocan; SM North Edsa sa Quezon City; StarMall sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City; at Mall of Asia, Pasay City.
Saad niya: “I think mga 21 o 23 yung mga maisasakay [ng bawat minibus].
"Ako na ho ang bahala sa gasolina. Kami na ho ang bahala sa mga driver.
"Basta yun po ang tulong ng programang Wilyonaryo sa ating mga kababayan."