PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor at estranged wife, nasa proseso na ang annulment

Estranged wife ng aktor, may bago nang karelasyon.
by Jojo Gabinete
Published Mar 26, 2026
blind item aktor estranged wife
ILLUSTRATION: Chat GPT

Malabo nang magkabalikan ang showbiz couple na naghiwalay.

Nalaman ng aktor na may bago nang karelasyon ang kanyang estranged wife.

At ang katotohanan, nasa proseso na ang annulment ng kanilang kasal.

Naging mapagbigay ang aktor dahil ito ang umalis sa tahanan nila, kahit siya ang nagpundar ng kanilang bahay na nakarehistro sa pangalan niya.

Kamakailan lamang, nasaktan nang husto ang aktor nang malaman nito ang mga personal na impormasyon tungkol sa mga ginagawa ng kanyang estranged wife.

Pero pinili niya munang manahimik dahil maraming tao ang madadamay kapag nagsalita siya.

Read: Tatlong biktima sa leaked video scandal, pare-pareho ang kuwento

ACTOR WONDERS IF HIS ESTRANGED WIFE REALLY LOVED HIM

Mula nang maghiwalay sila, madalas itinatanong ng aktor sa sarili kung talaga bang minahal siya ng babaeng kanyang pinakasalan.

Hindi ang sagot ng aktor.

Sa tuwing binabalikan nito ang mga alaala ng maraming taong pagsasama nila, napagtanto niyang siya ang madalas nagpaparaya, umuunawa, at nagsasakripisyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung sakaling magsalita ang estranged wife tungkol sa tunay na ugat ng pagwawakas ng kanilang relasyon, nakahanda ang aktor sa mga isasagot nito dahil sa kanyang paniniwalang panahon na para malaman ng publiko ang katotohanan.

Hindi pa nakikipagrelasyon ang aktor sa ibang babae dahil ang sarili ang pinagtutuunan niya ng oras at atensiyon.

Dahil sa labis na pagmamahal noon sa dating asawa, nawalan ng panahon ang aktor para mahalin ang sarili kaya bumabawi siya ngayon.

Pero imbes na muling magmahal, ang relasyon niya sa Panginoong Diyos ang kanyang mas pinahahalagahan.

Read: Aktres pineke ang pagbubuntis para makaganti sa Aktor

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results