PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lance Carr, "not intentional" ang viral video sa beauty pageant

Lance Carr, hindi na nabawi ang nanakaw na cellphone.
by Jojo Gabinete
Published Mar 27, 2026
lnce carr viral video
Lance Carr speaks up about the viral video of him serenading a Miss City of San Fernando candidate with Harana, including the controversial lyric, “Sino ba ’tong mukhang gago?”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / X

“It’s not intentional.”

Ito ang katwiran ni Lance Carr tungkol sa viral video ng pagharana niya sa mga kandidata ng Miss City of San Fernando na naganap sa City Plaza Auditorium sa San Fernando City, La Union, noong Marso 20, 2026.

Kinanta ni Lance sa gabi ng koronasyon ng patimpalak ang "Harana," ang 1997 hit song ng Parokya ni Edgar.

Pero nang lapitan niya ang Candidate No, 1 na si Kharish Tobesa, eksaktong “Sino ba 'tong mukhang gago?” ang linyang kanyang inawit.

Read: Harana ni Lance Carr, nag-viral

At gaya ng inaasahan, ginawa itong katatawanan ng mga nakapanood kaya mabilis na nag-viral ang video.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang natuwa ako na ang daming nakakita, pero it wasn’t intentional. It wasn’t really towards the candidate.

"Yung lyrics ko para sa candidate na yon? No," paglilinaw ni Lance nang makausap siya ng Cabinet Files bago nag-umpisa ang media conference para sa pelikulang Rosario nitong Biyernes, Marso 27, sa Viva Café.

Lahad pa ng Viva actor: “Actually yung lyrics naman, it was referring to me.

"It’s just na nagkataon lang na yung flow ng program, yung candidates, bababa talaga.

"And I’m gonna help them bumaba kasi siyempre, ang taas ng heels nila.

“E, sumakto lang talaga na pagkanta ko ng lyrics, e, ayun nga.

"So, it wasn’t really intentional and I apologize naman sa candidate kung na-offend po kayo.

"I am really sorry, pero it wasn’t intentional. It’s just a meme.

"And others, parang masyado nilang sineryoso. I mean, it’s typical Filipino humor na nakikita sa social media.

"Pero it really wasn’t intentional,” diin ni Lance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: BLIND ITEM: Aktor at estranged wife, nasa proseso na ang annulment

LANCE CARR ON GETTING VIRAL

Naniniwala si Lance nabigyan lang ng malisya ang eksenang hindi isyu sa kanya, basta walang bumabatikos.

“I’m okay as long as siguro hindi inaatake yung candidate at saka hindi ako inaatake.

"Yeah, for the laughs, okay siya, pero sana lang hindi natin atakihin nang personal. Yung trabaho ko, sana hindi nila atakihin.

"Everything can be misinterpreted talaga so mag-ingat na lang next time,” sabi ni Lance.

Ito ang ikalawang pagkakataong nag-viral si Lance.

Noong 2025 ay nawalan ng cellphone si Lance, at nag-viral din ang video ng pandurukot sa kanyang telepono.

“Pati yun nga, parang sinabihan ako na, 'Ano ba to, walang kuwentang news naman!'” natatawang sabi ni Lance.

Hindi na raw niya nabawi ang ninakaw na cellphone na dinala sa Greenhills, San Juan City, hanggang makarating sa China, base sa ginamit niyang Find Your Phone app.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Lance: “It’s alarming kasi sa Philippines, ang daming magnanakaw dito.

"Siguro it’s a wake-up call sa mga Pilipino na doble ingat na lang sa lahat ng galaw ninyo. Sino ba ang may gustong mawalan ng cellphone?

“The last time I checked, nasa China pa rin siya. Hindi gumagalaw.

"Actually, nagpanggap lang yon na isang fan. Yung kapatid ni Ashtine [Olviga], alam ko nanakawan din [ng cellphone].

“Sobrang maingat na ako ngayon, as in kapag may meet and greet, ipinatatago ko [ang cellphone] sa road manager ko.”

Read: Nanakaw na cellphone ni Lance Carr sa Cubao, nakarating ng China

FIRST HORROR MOVIE WITH AUBREY CARAAN

Ang ka-loveteam ni Lance na si Aubrey Caraan ang kapareha niya sa Rosario, ang horror movie na pinagbibidahan nila at mapapanood sa mga sinehan simula sa Abril 22, 2026.

May nararamdamang kaba si Lance dahil bukod sa matatakutin siya sa horror movies, ngayon lamang siya nagkaroon ng ganitong klase ng proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: “Na-challenge talaga kami. It’s my first horror movie, e.

"Si Aubrey, nakailang horror series at films na siya. So, ako yung medyo kinakabahan.

“Matatakutin po talaga ako when it comes to horror. Maliit yung pasensiya ko.

"Wala akong horror experience pero nakaka-encounter ako ng sleep paralysis, so dun talaga ako natatakot.

“Ngayon, once a month. Hindi ko alam kung bakit pero nakaka-experience ako ng sleep paralysis."

Read: VIRAL: Miss Grand Thailand 2026 candidate, nagka-"Allan K moment"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lance Carr speaks up about the viral video of him serenading a Miss City of San Fernando candidate with Harana, including the controversial lyric, “Sino ba ’tong mukhang gago?”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / X
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results