Nadismaya kay Kamolwan Chanago ang mga tumutok sa gabi ng koronasyon ng Miss Grand Thailand 2026 noong Sabado, Marso 28, 2026 dahil sa kanyang pinandirihang gimik.
Si Chanago ang opisyal na kinatawan ng lalawigan ng Pathum Thani sa Miss Grand Thailand 2026.
Nakuha niya ang atensyon ng buong mundo dahil sa viral video ng kanyang pagpapakilala sa sarili sa preliminary competition na ginanap sa MGI Hall, Bangkok, Thailand noong Miyerkules, Marso 25.
Habang nagsasalita si Chanago, biglang nalaglag ang kanyang pustiso o dental veneers.
Pero imbes na panghinaan ng loob, ibinalik niya sa dating puwesto ang ngipin at naglakad sa entablado na parang walang nangyari.
Pinuri si Chanago dahil sa ipinamalas nitong "grace under pressure," at naging headline ng international news, tulad ng New York Post at People, ang karanasan niyang pinag-usapan kesa sa 76 na opisyal na kandidata ng Miss Grand Thailand 2026.
Read: Mark Cardona, nakaditena dahil sa panghahalik sa babae sa BGC bar
Kamolwan Chanago SINUBUKANG MAGPA-VIRAL
Tila nalunod si Chanago sa atensyon na ibinigay ng buong mundo dahil sa eksenang ginawa niya sa gabi ng koronasyon ng patimpalak-kagandahan na kanyang sinalihan.
Napuno ng hiyawan at malakas na palakpakan ang MGI Hall nang lumabas si Chanago sa entablado, pero nadismaya ang manonood nang ipakilala niya ang sarili.
Hawak ang kanyang dental veneers, inilagay ito ni Chanago sa bibig niya sa harap ng lahat—isang malinaw na gimik para mapag-usapan siya muli.
Imbes na matuwa, pandidiri ang naramdaman ng manonood, kaya marami sa mga ito ang natuwa nang hindi siya mapili na Top 20 candidates.
Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP
MISS GRAND INTERNATIONAL 2026 WINNER
Ang crowd favorite na si Patthama Jitsawat ng Chonburi province na isang singer at crowd favorite ang nag-uwi ng korona ng Miss Grand Thailand 2026.
Si Jitsawat ang humakot ng special awards at siya ang magiging kinatawan ng Thailand sa Miss Grand International 2026 na idaraos sa India sa Oktubre 2026.
Si Miss Grand International 2025 Emma Tiglao ng Pilipinas ang naglagay ng sash kay Jitsawat nang manalo ito.
Hindi kaagad nakilala si Emma na napagkamalan na Thai dahil iisa ang hulma ng mukha niya at ng mga kandidata ng Miss Grand Thailand 2026.