Maayos na ang kalagayan ang Eat Bulaga! co-host na si Wally Bayola, 53, matapos maaksidente sa motorsiklo sa Andaya Highway, Barangay Bel-Cruz, Lupi, Camarines Sur, noong Linggo, Marso 29, 2026.
Kabilang si Wally sa grupo ng riders na bumiyahe sa Bicol Region nang malubak ang motorsiklong kanyang pinaaandar habang papunta sila sa Naga City.
Nasugatan at nagtamo ng mga bukol sa katawan si Wally.
Kinumpirma ng pamunuan ng Eat Bulaga! na mabuti na ang kundisyon ni Wally sa mensaheng inilabas sa kanilang official Facebook page.
Nakasaad dito: “Sa mga nangungumusta kay Dabarkads Wally, maayos na po ang kanyang kalagayan.
"Maliban sa kaunting sugat at bukol, maayos at ligtas na po ang kanyang kalagayan."
Paalala pa nila, "Lagi tayong mag i-ingat, Dabarkads!"
Noong Mayo 2013, naaksidente na rin si Wally habang sakay ng kanyang motorsiklo dahil iniwasan niya ang isang truck.
Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP, Tirso Cruz III, Joey Reyes, Joji Alonso
BUREAU OF FIRE PROTECTION - LUPI ISSUES STATEMENT
Ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) - Lupi Fire Station ang tumulong at nagdala kay Wally sa ospital.
Dinala ang comedian-TV host sa Bicol Medical Center bago siya inilipat sa isang private hospital.
Bahagi ng ulat ng BFP Lupi Camarines Sur: “Multiple abrasions on both the upper and lower extremities sustained from a motorcycle accident. The patient was also noted to have limited mobility in his right leg, suggesting a possible injury.
“An initial assessment was conducted, and vital signs were monitored. Wound care was administered, and the affected areas were properly stabilized. The patient was carefully secured and prepared for transport.
“He was safely transported to Bicol Medical Center for further medical evaluation and management.”
Ilang oras matapos maaksidente si Wally sa Barangay Bel-Cruz, nasangkot din sa motorcycle accident sa nabanggit ding lugar ang isang lalake, 54, at isang babae na may edad na 18.
Ang mga tauhan ng BFP-Lupi Fire Station ang tumulong sa mga biktimang nagkaroon din ng multiple abrasions sa iba’t ibang bahagi ng kanilang mga katawan.
Pero tumanggi silang dalhin sa ospital.
Read: Aktor at estranged wife, nasa proseso na ang annulment