Dahil sa salitang “paldo,” na malaking bungkos ng pera ang kahulugan, pinagmumulta ng dalawampung libong piso (PHP20,000) ng Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner's Office si Calvin Abueva.
Ito ay dahil sa diumano’y malisyosong pahayag ni Abueva tungkol sa mga referee ng laro sa pagitan ng Barangay Ginebra San Miguel at ng Converge FiberXers sa Araneta Coliseum, Cubao Quezon City, noong Linggo, Marso 29, 2026.
Si Abueva, na binansagang "The Beast," ay forward player ng Convege FiberXers.
Tinalo ng Barangay Ginebra San Miguel ang kanilang koponon sa kanilang laro noong Linggo.
Read: Mark Cardona, nakaditena dahil sa panghahalik sa babae sa BGC bar
Sa viral video na kuha ng mga miyembro ng media SPIN.ph pagkatapos ng laro, maririnig na sinabi ni Abueva: "Paldo, paldo—apat. Apat silang paldo."
Ang tinutukoy ng player na "apat" ay ang referees na nag-officiate ng laro sa pagitan ng Barangay Ginebra San Miguel at Converge FiberXers.
Read: Calvin Abueva in hot water again for 'paldo' rant against refs
PBA COMMISSIONER'S OFFICE STATEMENT
Ipinatawag sa PBA Commissioner’s Office si Abueva ngayong Lunes, Marso 30, para sa kanyang panig.
Nakasaad dito: “This refers to the conference we had this afternoon at the PBA Office in connection with your actuations after your game versus the Barangay Ginebra San Miguel on March 29, 2026 at the Smart Araneta Coliseum.
“Immediately following the final buzzer of the game, while on your way to your team’s locker room, you were recorded by members of the media shouting ,'paldo ang 4 na referees.'
“The said short video immediately went 'viral' on social media. Such a malicious and unfounded accusation against our referees cannot go unpunished. Your irresponsible statement is tantamount to conduct detrimental to the best interests of the league.
“During our subsequent meeting, you apologized to the undersigned and assured us that this incident will not be repeated.
“In view of the foregoing, you are hereby fined the amount of TWENTY THOUSAND PESOS (P20,000.00). Said amount shall be remitted to this Office within fifteen days upon receipt hereof.”
CALVIN ABUEVA'S FACEBOOK POSTS
Makalipas ang ilang oras, si Abueva mismo ang nagbahagi sa Facebook page niya ng kopya ng desisyon na nilagdaan ni PBA Commissioner Willie Marcial.
Bago pa inilabas ng PBA Commissioner’s Office ang pasya tungkol sa isyung kinasasangkutan ni Abueva, inunahan na sila ng kontrobersiyal na basketball player.
Nag-post si Abueva sa Facebook ng “bwahaha baka maunahan pa ayan paldo na” na nilagyan niya ng face with tears of joy emojis.

Hindi lamang ang kopya ng nilagdaang sulat ni Marcial ang ibinahagi ni Abueva sa Facebook page nito.
Sa kanyang FB live pagkatapos ng pagpupulong nila ng PBA Commissioner at habang kumakain siya ng dilaw na pakwan, tatawa-tawang sinabi ni Abueva na kapag umabot sa limanlibo ang bilang na nanonood sa kanya, "Sasabihin ko ang isyu. Hwag kang iiyak, ha?"
Sinagot din ni Abueva ang reaksiyon ng isang netizen na "bobo" siya.
Aniya, “Kung bobo ako, wala ako sa PBA.”
Natatawa rin si Abueva sa pahayag nitong “Paldo ako. Paldo!”
Dagdag pa niya: “Hintayin ninyo ang pagbabalik ko. Hintayin ninyo lang. Bigyan ninyo ako ng timing.”
Nagsalita rin si Abueva tungkol kay PBA Commissioner Willie Marcial na tinawag niyang “Kume.”
Sabi ng PBA player: “Si Kume, idol yan. Mabait yan. Wala akong masabi.
"Ginagawa lang niya ang trabaho niya bilang commissioner.
"Pero si Kume, wala po ako masabi diyan. Saludo po ako diyan. Boss, sorry po.”
Read: Is Meghan Markle's dad in a relationship with a Filipina nurse?