PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktres, tumigil sa pag-aaral dahil nag-break sila ng ex-boyfriend

Ang ex-boyfriend ang tumutustos sa pag-aaral ng aktres.
by Jojo Gabinete
Published Mar 30, 2026
blind item aktres tumigil sa pag-aaral
ILLUSTRATION: Chat GPT

Hindi pa natatapos ng aktres ang college course nito dahil huminto siya sa pag-aaral.

May kinalaman sa paghinto sa pag-aaral ng aktres ang paghihiwalay nila ng kanyang kasintahan.

Mula sa mayamang pamilya ang ex-boyfriend na nagpapaaral sa aktres.

Bukod sa pagbabayad ng tuition fee at ibang school expenses, may natatanggap na monthly allowance ang aktres mula sa dating kasintahan.

Sunod ang lahat ng luho ng aktres dahil ibinibili rin siya ng dating karelasyon ng mga mamahaling gamit.

Pero nagwakas ang mariwasang pamumuhay ng aktres nang maghiwalay sila ng kanyang ex-boyfriend.

Hindi naging tapat ang aktres sa relasyon ng ex-boyfriend.

Sinunod ng aktres ang tibok ng kanyang puso dahil nagmahal siya ng ibang lalaki.

Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP, Tirso Cruz III, Joey Reyes, Atty. Joji Alonso

NOT JUST THE END OF A RELATIONSHIP

Naramdaman ng dating boyfriend ang unti-unting panlalamig sa kanya ng aktres hanggang matuklasan niya ang masakit na katotohanang dalawa sila sa buhay ng babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumuho ang mundo ng ex-boyfriend ng aktres dahil nawasak ang lahat ng pangarap niya para sa kanilang dalawa, tulad ng pagpapakasal kapag nakapagtapos na ng kurso ang kanyang girlfriend.

May respeto at malaki ang pagmamahal sa sarili ng ex-boyfriend, na sobrang nasaktan kaya pinutol niya ang pakikipagrelasyon sa aktres.

Buhat nang magkahiwalay ang dalawa, tumigil na rin ang aktres sa pag-aaral dahil wala nang tutustos sa kanya.

ibinenta na rin niya ang mamamahaling gamit na iniregalo ng dating boyfriend para magkaroon siya ng karagdagang pera.

Read: Imelda Schweighart, tinanggal bilang kandidata ng MUPH 2026?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results