PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ate Gay, itinuturing na himala sa buhay niya sina Chaye at Heart

Ate Gay, malaki ang pasasalamat kina Chaye Cabal-Revilla at Heart Evangelista.
by Jojo Gabinete
Published Mar 31, 2026
ate gay chaye heart
Stand-up comedian Ate Gay (center) reveals the significant support he has been receiving from Gabay Guro chairperson Chaye Cabal-Revilla (left) and actress Heart Evangelista (right) following his cancer diagnosis.
PHOTO/S: GMA Network / Instagram

Ang aktres na si Heart Evangelista at ang Gabay Guro chairperson na si Chaye Cabal-Revilla ang dalawa sa mga itinuturing na himala sa buhay ng stand-up comedian na si Ate Gay dahil sa walang sawang pagtulong ng mga ito sa kanya.

Sa panayam niya sa Fast Talk With Boy Abunda ngayong Holy Tuesday, Marso 31, 2026, napag-usapan ang kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ni Ate Gay.

Stage 4 mucoepidermoid cancer ang sakit ni Ate Gay.

Lubos ang pasasalamat niya sa mga himala na ibinibigay sa kanya ng Panginoong Diyos, tulad nina Heart at Chaye.

Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP

Saad ni Ate Gay: “Isa yon sa mga ibinigay sa akin ni Lord at napakasuwerte ko kasi may tumulong sa akin.

“Si Chaye Cabal-Revilla, siya po lahat ang gumastos sa ospital at mga medicine ko sa Asian Hospital mula Day 1 hanggang ngayon.

"Yung expensive na immunotherapy, sinagot niya, twelve days ho yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Napaka-expensive niya. Biruin mo, PHP346,000 isang session at labindalawang sessions yon.

“Yung immunotherapy, yun ang gamot sa Singapore, meron na rin sa Pilipinas,”

Si Chaye ay asawa ni Bacoor City Mayor Strike Revilla.

Nakilala ni Ate Gay si Chaye dahil kabilang siya sa mga entertainment personality na madalas iniimbitahan para magtanghal sa mga programa ng Gabay Guro.

Bukod sa pagiging chairperson ng Gabay Guro, si Chaye ay top executive ng Metro Pacific Investments Corporation ng businessman na si Manny Pangilinan.

Read: Imelda Schweighart, tinanggal bilang kandidata ng MUPH 2026?

ATE GAY ON HEART EVANGELISTA

Tumutulong din si Heart para sa mga pang-araw-araw na gastos ni Ate Gay, na tumatanaw ng malaking utang na loob sa aktres.

“Napakabuti ni Heart," sambit ni Ate Gay.

"Si Ma’am Heart ay nakilala ko na ipinanganak na may gintong kutsara sa labi. Kasi bata pa lang ako, nakikita ko na siya.”

Ayon kay Ate Gay, si Heart mismo ang nakipag-ugnayan sa kanya para tulungan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad niya: “Tumawag yung PA [personal assistant] niya sa manager ni Allan K. Tapos ayun, nag-connect na kami.

“Monthly na po niya ako binibiyayaan. Heart thank you, thank you much.

“Actually, si Miss Chaye, nang mag-offer ng Asian Hospital, si Miss Heart, in-offer-an niya ako na pumunta sa Singapore.

"E, nauna si Miss Chaye kaya yun na lang [ang tulong] ni Miss Heart.

"Thank you, Miss Heart."

Read: Filipino Matty Juniosa earns Golden Buzzer on Britain's Got Talent

Binanggit din ni Ate Gay ang pangalan ng ibang showbiz personalities na nagbigay ng tulong sa kanya gaya nina Allan K., Coco Martin, Jolo Revilla, at ang mag-amang Senator Lito Lapid at Mark Lapid.

“Lapitin ako ng mga mababait na tao kaya siguro bumabalik sa akin. Naniniwala ako sa kung ano ang yung itinanim, yun ang aanihin.

“Nakita ko silang lahat sa panahon na kailangan ko sila.

"Hindi ko hiningi, kusa silang dumating sa buhay ko. Kusa silang nagbigay, hindi ako nanghingi,” sabi ng stand-up comedian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ibinalita ni Ate Gay na maayos sa ngayon ang kalusugan niya at matatapos na ang kanyang immunotherapy kaya hihintayin na lamang niya ang sasabihin ng mga doktor.

Read: Ate Gay’s lump on neck nearly gone after four days of treatment

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Stand-up comedian Ate Gay (center) reveals the significant support he has been receiving from Gabay Guro chairperson Chaye Cabal-Revilla (left) and actress Heart Evangelista (right) following his cancer diagnosis.
PHOTO/S: GMA Network / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results