Ang paghawak sa beywang at pag-akbay sa balikat ni Aubrey Caraan habang pinapanood nila sa unang pagkakataon ang official trailer ng Rosario ang unconsciously o hindi namamalayan ni Lance Carr na inasal nito.
Dahil dito, lalong lumakas ang mga hinala na mga nakakita sa ikinilos ng Viva actor na na nagkakamabutihan at lumalalim na ang relasyon nila.
Ang loveteam nina Aubrey at Lance ang mga bida sa horror movie na Rosario.
Napansin ng mga dumalo sa media conference ng pelikula, na mapapanood sa mga sinehan simula sa Abril 22, 2026, ang pagiging malambing sa isa’t isa sa kanilang unguarded moments.

Read: Barbie Imperial says Annabelle Rama is "sobrang bait"; proudly shows jewelry from her
A DIFFERENT GENRE FOR AUBREY-LANCE LOVETEAM
Nabuo ang loveteam ng dalawa nang magtambal sila sa Viva One hit series na Avenues of the Diamond.
Pero kahit tinangkilik ito ng kanilang mga tagahanga, matindi ang kaba na nararamdaman ni Aubrey para sa Rosario dahil ibang genre ito.
Paliwanag ng singer-actress: “Mas grabe po yung pressure ngayon kasi kailangan po siguro na mag-double effort para mapabalik sa mga sinehan ang mga tao.
“Yung iba kasi parang ang thinking nila, ‘I’ll just gonna wait for the movie na lumabas sa platform na ito.'
"So, parang nakaka-sad po para sa mga movie na hindi mapagbigyan na mapanood sa sinehan.
“I am pressured and super kinakabahan because hindi lahat po ng manonood ay ginugusto na manood sa mga sinehan.”
Pero ipinagpapasalamat ni Aubrey na muli siyang nabigyan ng pelikula makalipas ang isang taon.
“I feel blessed and really grateful dahil po binigyan ako ng Viva ng pagkakataon na maging part or magkaroon ng movie again after a year.
“Sa lahat po ng projects na ginagawa ko, nape-pressure po talaga ako, kinakabahan ako.
"Kasi kailangan ko laging i-prove ang sarili ko why ako yung napili ng Viva na bumida sa movie na ito.
“More than that, I am really happy and grateful to be part of this movie kasi it’s my third time, I think, working with Direk Roni Benaid.
“Medyo hindi na ako nahirapan pero challenging pa rin siya.
"Kasi kapag horror, iba yung hinihingi ng character. Mas pisikal at more nakakapagod kesa magpakilig," sabi ni Aubrey.