Isang buwan na ang nakalilipas buhat nang sumambulat ang video scandal na kinasasangkutan ng aktor at Tarlac Second District board member na si Arron Villaflor.
Humupa na ang isyu kaya hindi na ito masyadong pinag-uusapan.
Malaking tulong ang desisyon ni Arron na maglabas ng opisyal na pahayag tungkol sa kontrobersiya at huwag nang magsalita kaya natuldukan na ang maselang usapin.
Read: Arron Villaflor finally addresses alleged video scandal
Sa panayam ng Cabinet Files kay Arron bago siya nasangkot sa eskandalo, sinabi niyang ang paglilingkod sa Tarlaqueños ang kanyang pangunahing alalahanin.
Ayon kay Arron, gusto nitong pagsilbihan at ibalik sa kanyang mga kababayan ang suportang natanggap niya nang sumali siya sa Star Circle Quest noong 2004 at nang mahalal siyang bokal ng lalawigan noong Mayo 2025.
Pahayag niya: “These people put me in my position as board member so kailangan kong magtrabaho para sa kanila.
“They’ve been supporting me ever since kasi nakita nila akong lumaki sa Tarlac at sa showbiz kaya, somehow, I’m giving back to them with all my best.
“Serving my people has always been my choice kasi I was born and raised in Tarlac.
"I’ve seen these people, their status, their conditions. So, as a public servant, I wanted to offer a solution to their problems.”
FIRST IN SHOWBIZ, SECOND IN POLITICS
Si Arron ang unang miyembro ng kanilang pamilya na pumasok sa showbiz dahil walang interes ang iba.
Ikinuwento ni Arron na dating mayor ng Tarlac City noong dekada ’80 ang kanyang lolo sa tuhod kaya pangalawa siya sa kanilang pamilya na sumabak sa serbisyo publiko.
Sa halos isang taon ng kanyang panunungkulan, hindi raw nawawalan ng mga taong pumupunta sa opisina ni Arron para humingi ng tulong. Pero tinitiyak niyang natutulungan din ang ibang mga nangangailangan.
Saad niya: “Ako, diretso naman ako sa kanila and I’m happy na nakakaintindi sila.
"Every time they go to my office, open ang office ko, siyempre yung iba diyan, talagang mangungulit sa yo.
“But I always tell them, ‘O, nagbigay na ako ng tulong last week, ibigay naman natin yung tulong sa ibang tao. Para naman, at least, kumakalat yung tulong. Hindi lang kayo ang natutulungan natin, di ba?'
“Minsan yung iba nagugulat. Pero sabi ko, walang mababago kung hindi natin sila tuturuan."
STAR CIRCLE QUEST
Katorse anyos pa lamang si Arron nang sumali siya sa audition para sa second season ng talent search contest ng ABS-CBN.
Kabilang si Boy Abunda sa mga hurado ng Star Circle Quest.
Natatandaan ng TV host na si Arron ang pinakahuling lumahok sa audition na naganap sa Baguio City pero pinalad makapasa.
“I was 14 years old then. I am turning 36 in July,” pagbabalik-alaala ni Arron sa nakaraan.
“Kung hindi ako sumali sa Star Circle, siguro nasa military ako, kasi it’s my childhoom dream.
“Nakaka-miss kasi ka-batch ko si Erich Gonzales. Yung SCQ days, nag-start yan kina Hero Angeles at Sandara Park.
"Kami yung second batch so it really feels na I still have a family in this industry.”
Read: Dominic Ochoa quashes false narratives about best friend Rico Yan's death