April Fool’s Day ngayong Miyerkules Santo, Abril 1, 2026.
Kaugnay nito, nagpaalaala ang GMA News sa lahat na maging maingat para hindi sila maging biktima ng mga sinasadyang panlilinlang o panloloko.
Paalala ng GMA News: “NOT ALL PRANKS ARE FUNNY
"Maging maingat sa pagpa-prank ngayong April Fool's Day"
Nagbigay ng apat na halimbawa ng mga prank na hindi dapat gawin:
- Don’t fake pregnancy
- Don’t prank delivery drivers
- Don’t prank sellers who just want to earn money
- Don’t joke about anything hurtful to someone

ANGELI KHANG'S APRIL FOOLS' DAY POST
Tila hindi alam ng sexy star na si Angeli Khang na hindi dapat ginagamit na prank ang pagpapanggap na buntis.
Ito kasi ang ibinahagi niya sa kanyang Facebook post na pinaniwalaan ng ilang tao na nalimutan na April Fool’s Day ngayon at ng mga kababayan natin na likas na walang kaalaman tungkol sa annual custom sa maraming Western countries.
“I’m pregnant. I’ve been quiet lately because I needed time to process everything…” umpisa ng mapanlinlang na Facebook post ni Angeli.
Pagpapatuloy niya: “Life has been changing in the most unexpected and beautiful ways, and I’ve been learning to embrace a whole new kind of love, responsibility, and purpose.
"It hasn’t been easy keeping this from you all, especially since you’ve always been part of my journey.
“This wasn’t something I planned to share this early, but it felt wrong to keep something this big from people who’ve been with me through everything.
"My life is about to change in the most beautiful way, and I’m honestly both excited and terrified at the same time.
“I’ve been trying to act normal but inside I’ve been freaking out, crying, smiling, overthinking everything all at once. This is so unreal and I didn’t expect my life to turn like this so fast.
“Some of you noticed, some of you asked, and I kept saying 'soon' because I wasn’t ready yet. But here it is…
"Thank you for always loving me, supporting me, and growing with me. I hope you’ll be there for me in this new chapter too.
“I was scared to tell you all, I didn’t know how you’d react, but you deserve to know the truth… April Fools!!!! Nakuha ko ba kayo?!!”
Hindi nag-iisa si Angeli dahil may ibang mga kababaihang ginamit ding biro ang kanilang pekeng pagbubuntis.
Ngayong alam na nila na isang bad prank ang fake pregnancy, hindi na ito dapat ulitin ni Angeli at ng mga kagaya niyang mali ang piniling uri ng pagbibiro.
Dapat maging maingat at mapanuri ang mga madaling maniwala sa mga nababasa nila sa social media.
April Fools' Day prank din ang sunud-sunod na mga social media post na nakalaya na si dating Pangulo Rodrigo Duterte mula sa pagkakakulong nito sa The Hague, The Netherlands, na isang salat sa katotohanan na balita.