Ngayong Abril 1, 2026 ang ika-27 kaarawan ni Jairus Aquino.
Hindi mahirap tandaan ang araw ng kanyang kapanganakan dahil ito ang April Fools’ Day.
Visible sa telebisyon si Jairus bago sumapit ang 27th birthday niya dahil sa kanyang mga promo guesting para sa Rosario, ang horror movie na pinagbibidahan nila nina Lance Carr at Aubrey Caraan at mapapanood sa mga sinehan simula sa Abril 22.
Pero piling-pili na ang mga lugar na pinupuntahan ni Jairus dahil apektado rin siya ng mataas na presyo ng gasolina.
“Affected kasi diesel yung kotse ko," pagtatapat ni Jairus.
"Sobrang mahal compared to kung paano ako nagpapa-gas dati.
"But more than that, mas matatakot ka na what if maubos lahat kasi everything runs with gas. Paano yung deliveries ng food?
"More than sa kotse ko, mas iniisip ko yung pang-everyday life.
"Ano yung mangyayari? Paano tatakbo, iikot yung resources natin sa pang-araw-araw?”
Nakausap ng Cabinet Files at iba pang entertainment press si Jairus sa media conference ng Rosario sa Viva Café noong Marso 27.
JAIRUS AQUINO REVEALS PREPARATIONS FOR FUEL CRISIS
Tulad ng maraming Pilipino, pinaghahandaan ni Jairus ang krisis sa gasolina na epekto ng digmaan sa pagitan ng US-Israel at Iran na walang nakakaalam kung kailan magwawakas.
Saad niya: “Ang preparation ko, nag-check na ako ng mga portable power station. I’m planning to buy one para sa bahay.
“Malaking tulong talaga ngayon yung mga solar equipped na bagay.
“And then, less na rin yung pag-alis ko ngayon sa bahay.
"Hindi tulad ng dati kapag pumupunta ako ng gym, sinasadya ko pa yung Pasig coming from Fairview, Quezon City.
“This time, within the area na lang para makatipid talaga sa diesel, not because mahal.
“It’s because more of baka yung ibang mga tao, mas nangangailangan at magamit ko yung gas sa mga bagay na mas worthy, like going to tapings. Going to more important na lakad.
"Yun ang contributions na magagawa natin."
Dagdag pa ni Jairus: “Ang masasabi ko lang, nasa gobyerno na yan.
"So, I just really hope na they come up to their senses kung paano nila tutulungan yung mga tao kasi inaantay talaga yon ng mga public utility vehicle drivers.
“I just really hope na we can get through to all of these, especially lahat ng mga namamasada or gumagamit ng gas every day, as their business, as their mode of living.
“It’s not about pagyaman, e. It’s about surviving. Everybody’s on survival mode.
"Kasi, no matter how much you have the means, hindi mo mabibili ang gas na parang ganoon lang.
“If you can echo yung idinadaing ng mga tao, why not?
"Baka lalong mas seryosohin ng gobyerno ang krisis na nangyayari sa atin at sa mga taong mas nangangailangan ng tulong."
Read: Maine Mendoza joins Atayde family gathering amid breakup rumors with Arjo