PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ate Gay, ano ang most memorable moments sa idolong si Nora Aunor?

Ate Gay, nagbigay-pugay sa yumaong Superstar Nora Aunor.
by Jojo Gabinete
Published Apr 2, 2026
nora aunor ate gay
Impersonator Ate Gay (right) reveals he never had a formal conversation with his idol, the late Superstar Nora Aunor (left): “Mahiyain ako saka mahiyain din siya. Ganoon lang kami nang ganoon [yuko nang yuko], para kaming mga Hapon.”
PHOTO/S: GMA Network

Miyerkules Santo noong Abril 16, 2025 nang bawian ng buhay sa The Medical City ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.

Isa itong malungkot na balita na ikinagimbal ng sambayanang Pilipino.

Sa Abril 16, 2026 ay gugunitain ang unang anibersaryo ng kamatayan ni Nora.

Nakahimlay ang kanyang mga labi Libingan ng mga Bayani, sa Taguig City, na madalas na dinadalaw ng kanyang mga hindi nakalilimot na tagahanga.

Read: Nora Aunor dead at 71

ATE GAY PAYS TRIBUTE TO ATE GUY

Ang stand-up comedian na si Ate Gay—Gil Morales sa tunay na buhay—ang unang nagbigay-pugay kay Nora bago pa man sumapit ang babang-luksa para sa namayapang aktres.

Tumatanaw ng malaking utang na loob si Ate Gay mula kay Nora, na kilala rin sa basag na Ate Guy.

Nagkaroon ng puwang sa entertainment industry si Ate Gay dahil sa kanyang impersonation sa iniidolo niyang alagad ng sining.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk With Boy Abunda noong Lunes Santo, Marso 30, 2026, ikinuwento ni Ate Gay ang kanyang mga hindi makalilimutang alaala tungkol kay Nora.

Lahad ng gay impersonator: “Nag-guest siya sa aking solo concert sa Mall of Asia Arena, hindi ko malilimutan na umoo agad siya. Umakyat siya sa stage.

“Lahat ng kanta niya, lahat ng acting niya, ganoon ang mga Noranian, gustung-gusto ang boses niya. Yung paano siya umarte,” ang lahad ni Ate Gay.

Read: Ate Gay successfully stages first major concert in Arena

FROM MARICELIAN TO NORANIAN

Ipinagtapat ni Ate Gay na si Maricel Soriano ang paborito niyang aktres noong kabataan niya.

Kuwento niya, "Ang nanay ko kasi ang Noranian. Nag-Noranian ako nung nagaya ko na ang boses niya."

Nakilala si Ate Gay bilang impersonator ni Nora dahil sa panggagaya sa pagkanta ng aktres sa "Kahit Konting Awa," ang theme song ng The Flor Contemplacion Story, ang pelikulang pinagbidahan ng Superstar noong 1995.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang linya ni Nora sa Minsa’y Isang Gamu-gamo (1976) na "My brother is not a pig…" at sa Himala (1982) na “Walang himala, ang himala ay nasa puso ng tao…” ang dalawa sa mga paborito at kabisadong-kabisado ni Ate Gay.

Natutuwa ang stand-up comedian dahil madalas pinanonood noon ng Superstar ang kanyang mga show.

“Lagi niya akong pinapanood. Pinapanood niya kaming impersonators niya, at ayaw na ayaw niya gumaganoon kami," sabay muwestra ng pagtuturo ng hintuturo sa langit.

“Ayaw niya kasi hindi naman daw siya gumaganoon. Natatawa siya.

“Meron kasing ine-exag [exaggerate], siyempre comedian. Kung matino ba naman kaming umarte, e, di nag-Nora Aunor na lang talaga kami,” sabi ni Ate Gay.

ate gay nora aunor impersonator
Ate Gay strikes his signature pose as a Nora Aunor impersonator.
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero hindi raw sila nagkakaroon ng pagkakataong magkuwentuhan ni Nora dahil pareho silang mahiyain.

“Mahiyain ako saka mahiyain din siya. Ganoon lang kami nang ganoon, para kaming mga Hapon,” sabi ni Ate Gay tungkol sa pareho nilang pagyuko ni Nora.

Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP, Tirso Cruz III, Joey Reyes, Atty. Joji Alonso

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Impersonator Ate Gay (right) reveals he never had a formal conversation with his idol, the late Superstar Nora Aunor (left): “Mahiyain ako saka mahiyain din siya. Ganoon lang kami nang ganoon [yuko nang yuko], para kaming mga Hapon.”
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results