Isang buwan na ang nakalilipas buhat nang idaos ang beach wedding nina Jerald Napoles at Kim Molina sa Bohol noong Marso 1, 2026.
Ngayong Semana Santa, pinili pa rin nilang magbakasyon sa isang beach resort sa Ko Samet, Rayong Province, Thailand.
Sinusulit mabuti ni Jerald ang pagpapahinga dahil pagkatapos ng Holy Week, mag-uumpisa na ang taping niya para sa Sigabo, ang bagong primetime series na pangungunahan nina Coco Martin at Julia Montes.
Ito ang dahilan kaya iniurong muna nila ni Kim ang kanilang honeymoon.
Read: Celebrity guests at Jerald Napoles and Kim Molina's wedding
View this post on Instagram
WONDERFUL NIGHTMARE RED-CARPET PREMIERE
Bago lumipad sa Thailand sina Jerald at Kim, ang mga promo guesting para sa Philippine adaptation ng South Korean movie na Wonderful Nightmare ang kanilang pinagkaabalahan.
Magsisimula sa Sabado de Gloria, Abril 4, ang pagtatanghal sa mga sinehan ng Wonderful Nightmare, ang unang pelikula nina Jerald at Kim bilang mag-asawa.
At dahil sa Semana Santa, napaaga ang red-carpet premiere ng pelikula sa SM Megamall Cinema 2 noong Marso 26.
Sabi ni Kim, “First time yata na sa credits, may dagdag sa pangalan ko. First time pero hindi ko sure kung na-add siya so I am very excited.”
Tuwang-tuwa si Kim dahil dumalo sa red-carpet premiere ng pelikula nila ni Jerald ang mga bisita sa kanilang beach wedding kaya isang reunion ang nangyari.
Para sa red-carpet premiere ng Wonderful Nightmare, ginamit ni Kim ang kanyang wedding earrings, wedding clutch, at wedding shoes.

Tumanggap sina Jerald at Kim ng mga pagbati nang matapos ang premiere screening ng kanilang pelikula.
Umani ng mga papuri ang pelikula dahil bukod sa maganda ang kuwento, pinuri ng mga nanood ang mga pagganap nila at ang direksiyon ni RC delos Reyes.
Reaksiyon ni Jerald: “Sa kabila ng mataas na presyo ng pamasahe at ng gasolina at krudo, maraming-maraming salamat nandito kayo.
"I think it’s time for us to enjoy with everything is happening sa mundo ngayon.
“So ngayon, masasabi na natin na parang mas mura ang sine kesa sa pamasahe. It’s time for you to watch the movie."
Read: K-pop idol Soobin ng TXT, may masamang karanasan sa taxi driver sa Cebu