Dahil sa viral vlog ni Soobin ng Tomorrow X Together boy band, mabilis na umaksyon ang tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory ( LTFRB).
Natukoy ang pagkakakilanlan ng taxi driver na nagtangkang singilin ng PHP1,000.00 ang popular South Korean singer kahit nagkakahalaga lamang ng PHP300 ang pamasahe.
Ito ay para sa pamasahe mula sa Cebu International Airport patungo sa hotel na tutuluyan ni Soobin at ng kanyang kaibigan nang magbakasyon siya kamakailan sa Pilipinas.
Read: LTFRB takes action on TXT Soobin's taxi experience in Cebu
LTFRB IDENTIFIES TAXI UNIT WITH VIOLATION
Ipinag-utos ni LTFRB Chairperson Atty. Vigor Mendoza sa taxi operator na isuko nito ang license plate ng sasakyan at ang lisensya ng driver na tinangkang singilin si Soobin ng PHP1,000.
Ayon kay Mendoza, matibay na ebidensya laban sa taxi driver ang vlog ni Soobin.
“This is a serious offense especially that this incident puts the name of our country in bad light in the international community.
"The viral video itself is already strong evidence,” sabi ni Mendoza.
Iginiit niya na malinaw na paglabag sa LTFRB rules and regulations and the terms and conditions of the Certificate of Public Conveyance (CPC) ang ginawa ng taxi driver.
Sa imbestigasyon ng LTFRB Region 7, napag-alamang may body number 4351 ang taxi unit na sinakyan ni Soobin at ng kasama nito.
Inireklamo ang taxi driver ng overcharging at hindi paggamit ng taxi meter nang maging pasahero niya ang popular Korean singer.
Read: K-pop idol Soobin ng TXT, may masamang karanasan sa taxi driver sa Cebu
SOOBIN RECORDS THE INCIDENT
Sa vlog ni Soobin noong April 1, 2026, mapapanood ang mismong insidente.
Bago pumasok sa taxi, nasambit pa ni Soobin na pinayuhan na siya ng kagrupong si Taehyun na talamak ang overcharging sa taxi sa Cebu.
Sabi niya sa salitang Korean: "Let’s try Taehyun’s advice. Taehyun’s traveled to Cebu before so we asked him for travel tips and he told us to just act angry [if we get overcharged]."
Pumayag siya sa singil ng driver na P500, pero nagulat siya nang bigla silang singilin ng P1,000 nang sakay na sila ng taxi.
Agad na naglabas ng show cause order (SCO) ang LTFRB laban sa taxi operator at sa taxi driver na nanlinlang kay Soobin.
Katwiran ng driver, nagtaas na ang presyo ng gasolina.
Hindi pumayag si Soobin at P500 lang ang ibinayad niya sa taxi driver.
Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, nag-"soft launch" sa Thailand?
LTFRB SUSPENDS TAXI UNIT
Binigyan ng LTFRB ang taxi operator ng pagkakataong magpaliwanag para hindi mapawalang-bisa ang kanyang franchise at nakatakda sa Abril 21, 2026 ang pagdinig sa kaso.
Pero sa ngayon ay suspendido at hindi puwedeng ibiyahe ang taxi unit sa loob ng isang buwan.
Ipinangako ni Mendoza na patuloy na pananagutin at sasampahan ng criminal case ng LTFRB ang mga taxi driver na masasangkot sa overcharging ng pamasahe.
Sa opisyal na pahayag na inilabas ng LTFRB tungkol sa nasabing isyu, sabi niya:
"We are with the taxi drivers who follow the rules and regulations but we will make sure that we will send a strong message on what will happen if they ignore and defy the rules and regulations at the expense of the passengers.
"Hindi ito ugali ng Pilipino, ugali ito ng mga walang hiya.
"At huwag ninyong idadahilan ang kahirapan dito dahil napakaraming kababayan natin na lumalaban ng patas at hindi nanggugulang ng kapwa."