Panalo si Emmanuel "Jimuel" Pacquiao Jr., 25, laban sa American boxer na si Darrick Gates, 36.
Pumalakpak at napatalon sa tuwa si Jinkee Pacquiao samantalang umakyat agad sa boxing ring si Manny Pacquiao para halikan at yakapin ang kanilang anak.
Nilapitan din ni Manny si Gates, tinapik sa balikat at kinamayan na ikinatuwa ng manonood dahil sa kababaang-loob na ipinamalas ng Filipino boxing world champion.
Mula sa Pilipinas, maagap na nagpahatid ng pagbati kay Jimuel ang kanyang kapatid sa ama na si Eman Bacosa Pacquiao sa pamamagitan ng Facebook post nito na "Congratulations Kuya Jimuel. God is good all the time!!! #Victory."

Naganap noong Biyernes Santo, Abril 3, 2026 (Sabado de Gloria sa Pilipinas, Abril 4) sa Pechanga Resort Casino sa Temecula, California ang lightweight boxing match nina Gates at Pacquiao.
Nanalo sa pamamagitan ng technical knockout ang panganay na anak nina Jinkee at Manny dahil pinabagsak niya sa second round si Gates.

Read: Eman Bacosa Pacquiao, may special guest at message kay Jimuel
JIMUEL PACQUIAO REACTION
Ang panalo ni Jimuel sa laban nila ni Gates ang unang tagumpay niya bilang professional boxer.
“It was good. I had fun. I feel better. I was more trained better for this one; and I guess, I just need more experience,” ang sagot ni Jimuel sa panayam sa kanya ng sports media tungkol sa magandang resulta ng pakikipag-tunggali niya kay Gates.
"I am happy. The pressure is finished,” ang reaksyon naman ni Manny na kinabahan pero hindi nagkulang ng pagbibigay kay Jimuel ng mga payo at boxing tips.

Read: Jimuel Pacquiao welcomes baby with non-celebrity partner
JIMUEL PACQUIAO ON MANNY VS FLOYD FIGHT
Sinamantala ng mga miyembro ng media ang pagkakataon kaya hiningi nila ang pahayag ni Jimuel tungkol sa isyu ng boxing match ng kanyang ama at ni Floyd Mayweather Jr. na nakatakda na mangyari sa Setyembre 19, 2026 sa The Sphere, Las Vegas, Nevada, USA.
Nabahiran ng kontrobersya ang muling paghaharap nina Manny at Floyd sa boxing ring dahil sinabi ng American boxer na "exhibition" at hindi professional fight ang magaganap sa Setyembre 2026.
Naniniwala si Jimuel na kung sakaling matuloy ang laban ng dalawa, ang kanyang ama ang mananalo.
"I think my dad’s gonna get to win if it’s a real fight. He’s been way more active. He’s, I think, in a better shape,” ang kumpiyansang saad ni Jimuel.