Noong Agosto 2020, sumali ang aspiring singer na si Kristel Herrera ng Sampaloc, manila, sa "Tawag ng Tanghalan" ng It's Showtime.
Pero mas nagmarka sa It’s Showtime viewers si Kristel dahil sa on-air marriage proposal sa kanya ng kanyang British boyfriend na si Joshua Mumby.

Makalipas ang anim na taon, noong Abril 4, 2026, muling nasilayan si Kristel sa telebisyon bilang contestant ng popular British talent show competition na Britain’s Got Talent.
Pinahanga ni Kristel ang mga hurado at audience ng Britain’s Got Talent dahil sa kanyang makapangyarihang pag-awit sa Whitney Houston hit song na "Run To You."
Pasadong-pasado siya sa judges na sina Amanda Holden, Alesha Dixon, KSI, at Stacey Solomon.
Sabi ni Stacey kay Kristel: “I look at you and I don’t think you realize just how incredible you are.
"The way you go from head voice to chest voice so effortlessly is unbelievable and, yeah, I really hope that you get more confidence because you’re incredible.”
Hindi sinabi ni Kristel na Pilipino siya nang ipakilala niya ang sarili. Pero namukhaan agad siya ng mga kababayan natin na napanood noon ang kanyang pagsali sa "Tawag ng Tanghalan."
Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, nag-"soft launch" ng kanilang relasyon sa Thailand?
KRISTEL HERRERA'S BIG DREAM
Ibinahagi ni Kristel na naninirahan siya sa Halifax, West Yorkshire, at kasama niya ang kanyang asawa sa audition niya para sa Britain’s Got Talent.

“My biggest dream is to perform in front of the King. I feel like today is my big day,” sagot ni Kristel nang itanong ni Alesha ang kanyang pinakamalaking pangarap.
Nagkatotoo ang pahayag ni Kristel dahil sa standing ovation at mga papuri na kanyang natanggap mula sa manonood at mga hurado ng Britain’s Got Talent.
Tila masuwerte kay Kristel ang dilaw dahil ito ang kulay ng kanyang mga damit nang sumali siya sa "Tawag ng Tanghalan" at sa Britain’s Got Talent.
Bukod dito, ang "Run To You" ang parehong kinanta niya para sa mga naturang talent competition show.

Si Kristel ang pangalawang Pilipino na nakapasa sa Britain’s Got Talent ngayong season.
Noong Marso 2026, binigyan ng gold buzzer ng judge na si Simon Cowell ang Pinoy na si Matty Juniosa dahil sa mahusay na pagkanta niya sa "Purple Rain."
Gaya ni Kristel, produkto ng talent competition program ng ABS-CBN si Juniosa, na sumali sa Idol Philippines noong 2019.
Read: Filipino Matty Juniosa earns Golden Buzzer on Britain's Got Talent