PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DILG: Bawal sa kalye ang inuman at mga lalaking walang pang-itaas

DILG, pinaalala rin ang curfew sa minors at cutoff sa videoke.
by Jojo Gabinete
Published Apr 6, 2026
inuman sa kalye dilg
DILG Secretary Jonvic Remulla warns the public about strict enforecement of ordinances on street drinking, curfews for minors, men going shirtless in public, and videoke cutoff hours.
ILLUSTRATION: Chat GPT

Dati nang pinaiiral ang Anti-Public Intoxication Act.

Pati na ang pagbabawal sa paglalakad sa kalye na walang suot na T-shirt ng mga kalalakihan, ang curfew para sa mga menor de edad, at ang maingay na videoke session.

Pero nakakalimutan at hindi na sinusunod ang mga ito sa pagdaan ng mga araw.

Sa press briefing na naganap sa Bureau of Fire Protection headquarters sa Quezon City ngayong Lunes, Abril 6, 2024, ipinaalaala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang mga ipinagwawalang-bahalang ordinansa.

Muli at mahigpit daw ipatutupad ng kanyang tanggapan ang mga ito para maging ligtas para sa lahat ang kapaligiran.

Babala ni Remulla: “Bawal na ang maglatag ng mga silya at ng mga lamesa sa mga kalye at mag-inuman.

"Doon na nanggagaling, No. 1, ang away. No. 2, ang sexual harassment.

“Bawal na. Sinasabihan ko ang lahat, pasensiyahan tayo.

"Kapag kayo mag-inuman sa kalye, huhulihin namin kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kapag nasa loob kayo ng mga pader ninyo, walang problema.

"Kapag nasa loob ng bahay, pero sa labas, sa kalye, public space, bawal na ang inuman.

"Okay, let’s make that clear.”

Read: LTFRB takes action on TXT Soobin's taxi experience in Cebu

CURFEW AMONG MINORS

Inulit din ni Remulla ang curfew hours para sa mga menor de edad na pinaalalahanan niyang umuwi sa kanilang mga tahanan bago sumapit ang alas-diyes ng gabi.

Saad niya: “Meron na tayong enhanced curfew ordinances para sa 18 years old and below.

"Kapag hindi kayo nag-aaral o hindi nagtatrabaho, proof of employment or proof of education, kung nag-aaral kayo sa oras na yon, pauwi kayo, bawal na kayo sa kalye after 10 P.M. Umuwi na kayo sa mga bahay ninyo."

Patutsada pa ni Remulla: “Yung mga rugby boys diyan, yung mga genggeng diyan, mga gago sa kalye diyan, magtago na kayo.

"Umuwi kayo pag 10 P.M. Huhulihin namin kayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kakaibang bihis ng ilang imahe sa prusisyon sa Bulacan, pinag-usapan

MEN NOT WEARING T-SHIRTS ON THE STREET

Binalaan din ng DILG secretary ang mga kalalakihang nasanay nang maglakad sa kalsada nang walang suot na pang-itaas.

“Pangatlo, bawal na ang walang t-shirt na lalake na palakad-lakad sa kalye, bawal na.

“It is a act of civility na magbihis naman kayo habang nasa kalye kayo.

"Kapag kayo ay walang suot na T-shirt at nakahubad, palakad-lakad, kahit gaano kainit. Magsando man lang kayo.

"Bawal na po yan," sabi ni Remulla.

VIDEOKE CUTOFF HOURS

At ang pinakahuli, aaksyunan o pahihintuin ng mga pulis ang mga taong nagkakantahan sa dis-oras ng gabi at naghahatid ng perwisyo sa kanilang mga kapit-bahay na nagpapahinga.

“Bawal na po ang videoke lagpas ng alas-diyes.

"Alam ko lahat ng Pilipino, mahilig kumanta. Maraming magaling kumanta. Masarap kumanta basta lalo na barkada.

"Pero maawa naman kayo sa kapwa ninyo. Hayaan ninyo nang matulog.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kapag alas-diyes, nagbi-videoke pa kayo o kapit-bahay ninyo, nagbi-videoke, tumawag po kayo sa 911 at pupuntahan yan ng pulisya at papatigilin,” ani Remulla.

Read: DISMISSED: Liza Diño cyber-libel complaint against PEP, Tirso Cruz III, Joey Reyes, Atty. Joji Alonso

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DILG Secretary Jonvic Remulla warns the public about strict enforecement of ordinances on street drinking, curfews for minors, men going shirtless in public, and videoke cutoff hours.
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results