Nababahala ang Italian-Canadian actor-model na si Nico Locco dahil sa package na ipinadala sa condominium building na tinitirhan niya noong Linggo, Abril 5, 2026.
Noong araw na iyon ay nasa probinsiya si Nico para sa isang show kaya ang security guard ng condominium building ang tumanggap sa package na ipinadala sa pamamagitan ng isang delivery app.
Nang dumating si Nico sa condominium building ngayong Lunes, Abril 6, ibinigay agad sa kanya ng security guard ang package.
Nabigla siya nang buksan ang kahon.
Ang laman nito ay pajamas na katulad ng pajamas na suot ng babaeng kasama ni Nico sa viral sex video at nambiktima sa iba pang mga aktor.

“Dumating yung package yesterday sabi ng security ng unit ko,” umpisang kuwento ni Nico sa Cabinet Files ngayong Lunes, Abril 6, 2026.
Read: Nico Locco, tukoy na ang babaeng kasama niya sa video scandal
MYSTERY SENDER KNOWS NICO'S ADDRESS
Labis daw naaalarma si Nico dahil alam ng nagpadala ng package ang home address niya.

Saad niya: “I was informed kaninang morning about it kasi out of town ako for the last couple of days.
“It’s quite concerning kasi never ko sinabi ang address ko sa babae na kasama ko sa video, kaya may chance na it is a random person sending me this.
"How they got my address? Wala akong idea kasi private ang address ko.
"Pero somehow nalaman nila kung saan ako nag-stay. It’s very creepy.”
Ayon kay Nico, ipinadala ang package sa pamamagitan ng Lalamove kaya hindi matukoy ng condominium security guards ang pangalan ng mystery sender.
Lahad pa niya: “Nag-explain ako sa condo guards kung bakit ako nagtatanong ng maraming questions about the package. Na-recognize din nila yung pajamas.
“For security purposes, I told them what the letter said para aware sila in case may ibang mangyari.”
Read: Nico Locco on leaked video scandal: "Yes. It’s me."
CREEPY LETTER FROM MYSTERY SENDER
Kalakip ng pajamas ang isang sulat na may kiss mark.
Pinaunlakan ni Nico ang hiling ng PEP na ibahagi niya ang nilalaman ng sulat mula sa mystery sender.
"Andrea S." ang nakalagay na pangalan sa sulat.
Nakasaad dito: “Hey babe!
"I had so much fun last time. kelan ulit yung next time?
"Namiss ko amoy mo. Mygod!
"Favor naman oh. Pwede mo ba spray yung perfume mo sa pinadala kong pajama?
"Pleaseeee send it back to me at this address.
"Fame Residences Tower 4, Mandaluyong for Andrea S.
“Pakisabi sa delivery rider na paki iwanan na lang sa front desk.
"Or mabey [sic] mas exciting kung ikaw ang maghahatid Hehehe joke.
"Love You."

Read: Nico Locco, aamin umano kapag may lumabas na video scandal niya