Ang artistahing hitsura at magandang pangangatawan ni Péter Magyar, 45, ang sinasabing isa sa mga dahilan ng tagumpay niya sa katatapos na eleksyon sa Hungary—ang bansang pinagmulan ng popular na pagkain na Hungarian sausage.
Si Magyar ang bagong halal na prime minister ng Hungary.
Tinalo niya sa parliamentary elections na idinaos noong Abril 12, 2026 ang incumbent Prime Minister na si Viktor Orbán.
Labing-anim na taong naglingkod si Orbán bilang punong ministro ng Hungary, pero hindi siya umubra sa malakas na karisma at hatak ni Magyar sa mga kababayan nila.
Si Magyar ay binansagang “rock star” dahil dinadagsa ng mga tao ang kanyang mga kampanya.
Read: Anak ng prinsesa sa Norway kinasuhan ng rape at domestic violence
PETER MAGYAR THANKS HUNGARIANS
Ngayong Lunes, Abril 13, ipinaabot ni Magyar sa pamamagitan ng isang Instagram post ang pasasalamat sa lahat ng mga bumoto sa kanya.
"Magyar" ang tawag sa Hungarian language. Nagkataong ito rin ang apelyido ni Magyar.
Sa isinalin sa Ingles na lengguwahe sa Hungary, sinabi ni Magyar: “Thank you to all Hungarians at home and around the world!
“It is a great honor that you authorized us with the highest number of votes ever to form a government and to work for a free, European, functional and humane Hungary in the next four years.
“The TISZA-government will be the government of every Hungarian.
"Sitting in the chair of Lajos Batthyany, as Prime Minister, I will work every day and every hour of the day for the security and development of our country, as well as for the welfare of the Hungarian people.
"So help me God!”
View this post on Instagram
WHO IS PETER MAGYAR?
Abogado ang propesyon ni Magyar.
Siya ang pangulo ng political party na Tisza.
Pamangkin ni Ferenc Mádl, ang presidente ng Hungary mula 2000 hanggang 2005.
Bukod sa pagkakaroon ng malakas na karisma at social media presence, malaki ang impluwensiya ni Magyar sa Hungarians dahil ginagaya ng karamihan ang kanyang pananamit, ang madalas na pagsusuot niya ng T-shirt, maong at chinos na pantalon, at sneakers na puti.
View this post on Instagram
May tatlong anak si Magyar sa kanyang dating asawang si former Justice Minister Judit Varga na pinakasalan niya noong 2006.
Pero noong Marso 2023, inanunsyo nila ang kanilang diborsyo.
Read: Indian billionaire, namatay matapos umanong makalunok ng bubuyog