Malabo ang posibilidad na maglaban sa boxing ring ang magkapatid sa ama na sina Eman Bacosa Pacquiao at Jimuel Pacquiao.
Minana ng dalawa ang pagiging boksingero mula sa kanilang ama na si Manny Pacquiao.
Dahil parehong mahusay sa boksing, lumutang ang mga haka-hakang posibleng dumating ang araw na magharap sa boxing ring sina Eman at Jimuel.
Agad na tinapos at tinuldukan ni Eman ang isyu na Pacquiao vs Pacquiao dahil sa kanyang pahayag na hinding-hindi niya lalabanan si Jimuel, kung sakaling dumating ang pagkakataong may mag-alok na magtunggali sila sa boxing ring.
“Unang-una, hindi po, kasi kapatid ko po siya. Saka wala naman po kasiyahan na mangyayari kung matalo man o manalo ka sa kapatid mo.
“Siyempre, ayaw rin yon ni Daddy. Ayoko rin masaktan si Daddy.
"Saka I really love you, Kuya,” sabi ni Eman sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Huwebes, Abril 16, 2026.
Read: Jimuel at Eman Pacquiao, parehong may laban sa February 28
EMAN ON HIS RELATIONSHIP WITH MANNY AND JINKEE'S CHILDREN
Iginiit ni Eman na maayos ang relasyon niya sa mga anak nina Manny at Jinkee.
Inilahad ni Eman na kahit hindi sila nagkakausap, dahil busy sa Amerika si Jimuel, sinusuportahan niya ang boxing career ng kanyang kuya.
“Maayos naman po. Very supportive po sila sa akin. Lahat naman po sila,” sabi ni Eman.
Kinumusta rin ni Boy Abunda kay Eman ang relasyon nila ngayon ng kanyang ama.
Sagot ng young boxer: “Okay naman po. He’s very supportive saka lagi po niya ipinapaalaala na 'always pray to God and be humble.' Ganoon po.”
Madalas silang mag-usap?
“Sometimes naman po,” reaksiyon ni Eman.
Nais daw matutunan ni Eman ang mga diskarte at footwork ng amang si Manny sa mga boxing fight nito.
“Yung diskarte niya kung papaano papasukin yung suntok, timing sa pag-ilag. Napakaimportante po ng footwork,” sabi ni Eman.
Read: Actress Sue Prado dies at 44
EMAN IN NEVER SAY DIE
May kinalaman sa espesyal na partisipasyon ni Eman sa Never Say Die ang guesting niya sa Fast Talk wWth Boy Abunda.
Ang Never Say Die ang action-drama primetime series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina David Licauco at Jillian Ward, na nauugnay kay Eman.

Sa tanong ni Boy kung siya ang mystery guy sa "Big Guy" challenge video ni Jillian, "Secret” ang sagot ni Eman.
Ayon kay Eman, binigyan siya ng payo nina Piolo Pascual at Dingdong Dantes tungkol sa pag-arte.
Lahad niya, “Ang tip ni Kuya Piolo at ni Kuya Dingdong, ang advice nila sa akin kapag nag-acting po daw, damdamin ko raw o paniwalaan ko na yun talaga yon. I-set aside ko yung other emotion.”
Read: Rob Sy breaks silence on bullying allegation against son, complaint filed by Alfred Vargas and wife